top of page

1000 Taon ng Kapayapaan

SG-12-new-cover.jpg

Leksyon 12

Makatitiyak ka na ito'y darating -isang hindi kapani-paniwala na sanlibong taon na magsisimula pagkatapos ng pagbabalik ni Cristo. At ayaw ng diablo na malaman mo ang tungkol dito, ang kanyang isang libong taong sentensiya, dahil ipinapakita nito ang kanyang totoong ugali. Sa katunayan, si Satanas ay gumawa ng isang pekeng mensahe para sa sanlibong taon upang linlangin ka lang! Ito ay isang kahanga-hangang, kamangha-manghang pag-aaral na maaaring yumanig ng lahat ng iyong narinig. Ngunit ngayon malalaman mo ang mga kamangha-manghang katotohanan ng Biblia tungkol sa paparating na 1,000 taon!

1. Anong kaganapan ang magpapasisimula sa  1,000 taong ito?

"Sila'y nabuhay at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon" (Apocalipsis 20:4)

 

(Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksa  kamatayan, tignan ang Gabay sa Pag aaral 10)

 

Sagot: Ang pagkabuhay na mag-uli ang magpapasimula sa 1,000 taong panahon

sg12-q1-mother-child-resurection.jpg

2. Ano ang tawag sa muling pagkabuhay na ito? Sino ang mga bubuhayin dito?

"Ito ang unang pagkabuhay na muli. Mapalad at banal ang may bahagi sa unang pagkabuhay na muli!" (Apocalipsis 20:5, 6).

 

Sagot: Tinawag itong unang pagkabuhay na mag-uli. Ang mga naligtas— "pinagpala at banal" mula sa lahat ng panahon - ay ibabangon dito.

3. Sinasabi ng Biblia na mayroong dalawang muling pagkabuhay. Kailan ang pangalawang muling pagkabuhay, at sino ang mga bubuhayin dito?

" Ang mga iba sa mga patay [iyong mga hindi naligtas] ay hindi nabuhay hanggang sa natapos ang isang libong taon" (Apocalipsis 20:5).

sg12-q3-dead-coming-back.jpg

"Ang lahat ng nasa libingan ay makakarinig ng kanyang tinig, at magsisilabas, ang mga gumawa ng mabuti ay tungo sa pagkabuhay na muli sa buhay, at ang mga gumawa ng masama ay tungo sa pagkabuhay na muli sa kahatulan" (Juan 5:8, 29).

Sagot: Ang ikalawang muling pagkabuhay ay magaganap sa pagtatapos ng panahon ng 1,000 taon. Ang hindi naligtas ay ibabangon sa pagkabuhay na ito. Tinatawag itong pagkabuhay na muli ng kahatulan.

 

Mangyaring pansinin: Ang muling pagkabuhay ng mga naligtas ang magpapasimula sa 1,000 taon. Ang pagkabuhay na muli ng hindi naligtas ang magtatapos sa 1,000 taon.

sg12-q4-second-coming.jpg

4. Anong iba pang mahalagang kaganapan ang magaganap kapag nagsimula ang 1,000 taon?

"Tingnan ninyo, Siya'y dumarating na nasa mga ulap; at makikita Siya ng bawat mata" (Apocalipsis 1:7).

 

 "Ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw ...at ang mga namatay kay Cristo ay babangon muna. Pagkatapos, tayong nabubuhay na natitira ay aagawing kasama nila sa mga ulap, upang salubungin ang Panginoon sa papawirin" (1 Tesalonica 4:16, 17).

"At nagkaroon ng ...malakas na lindol, na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng tao sa lupa, isang napakalakas na lindol. At bumagsak sa mga tao ang ulan ng malalaking yelo na ang bigat ay halos isandaang libra buhat sa langit" (Apocalipsis 16:18, 21).

 

(Tingnan din sa Jeremias 4: 23–26; Isaias 24: 1, 3, 19, 20; Isaias 2:21.)

 

Sagot: Ang iba pang napakahalagang mga pangyayaring magaganap sa pagsisimula ng 1,000 taon ay: ang pinaka mapangwasak na lindol at yelo sa kasaysayan na tatama sa mundo; Si Jesus ay babalik sa mga ulap para sa Kanyang bayan; at ang lahat ng mga banal ay itataas sa papawirin upang salubungin si Jesus.

(Tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 8 para sa higit pa sa ikalawang pagparito ni Cristo.)

5. Ano ang mangyayari sa mga hindi maliligtas - buhay at patay - sa ikalawang pagparito ni Jesus?

sg12-q5-destroyed-by-brightness.jpg

"Sa hinga ng Kanyang mga labi ay Kanyang papatayin ang masama" (Isaias 11:4).

    

Sa pagkapahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel, na nasa nagliliyab na apoy, na magbibigay ng parusa sa mga hindi kumikilala sa Dios"

(2 Tesalonica 1:7, 8).

 

"Ang mga iba sa mga patay ay hindi nabuhay hanggang sa natapos ang isang libong taon" (Apocalipsis 20:5).

 

Sagot: Ang mga buhay na hindi maliligtas ay papatayin sa pamamagitan ng presensya mismo ni Cristo sa ikalawang pagparito.Nang magpakita ang isang anghel sa libingan ni Jesus, ang buong pangkat ng mga Romanong bantay ay nanginig at naging tulad ng mga patay (Mateo 28:2, 4). Kapag ang ningning ng lahat ng mga anghel, Dios Ama, at Diyos Anak ay nagsama, ang mga hindi maliligtas ay mamamatay na parang tinamaan ng kidlat. Ang mga masasama na patay na sa pagbalik ni Jesus ay mananatili sa kanilang mga libingan hanggang sa katapusan ng 1,000 taon.

sg12-q6-Heaven.jpg

6. Maraming naniniwala na ang mga hindi naligtas ay magkakaroon ng pagkakataon na magsisi sa loob ng 1,000 taon. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito?

"At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na iyon ay magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo. Sila'y hindi tataghuyan, o titipunin, o ililibing man; sila'y magiging dumi sa ibabaw ng lupa" (Jeremias 25:33).

"Ako'y tumingin, at narito, walang tao" (Jeremias 4:25).

 

Sagot: Imposible para sa sinumang tao na magsisi sa loob ng 1,000 taon sapagkat hindi magkakaroon ng isang taong nabubuhay sa mundo. Ang lahat ng matuwid ay nasa langit. Ang lahat ng masasama ay nakahimlay sa lupa. Nililinaw ng Apocalipsis 22:11, 12 na ang kaso ng bawat tao ay sarado na bago bumalik si Jesus. Masyado ng mahaba ang paghihintay niyong mga naghintay na tanggapin si Cristo hanggang sa pagsisimula ng 1,000 taon.

sg12-q6-dead-1000-years.jpg
sg12-q7-earth-and-heaven.jpg

7. Sinasabi ng Biblia na si Satanas ay igagapos sa “di-matarok na kalaliman” sa loob ng 1,000 taon. Ano ang kalaliman na ito?

"At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na hawak sa kanyang kamay ang susi ng di-matarok na kalaliman ...At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos siya ng isang libong taon, at siya'y itinapon sa di-matarok na kalaliman ...hanggang sa matapos ang isang libong taon" (Apocalipsis 20:1–3).

Sagot: Ang salitang para sa "di-matarok na kalaliman" sa orihinal na Griyego ay "abussos," o kailaliman. Ang parehong salita na iyon ay ginamit sa Genesis 1:2 sa bersyon ng Griyego ng Lumang Tipan na may kaugnayan sa paglikha ng mundo, ngunit doon isinalin itong "malalim." “Ang lupa ay walang anyo at walang laman, at binalot sa kadiliman ang kalaliman. " Ang mga salitang "malalim," "di-matarok na kalaliman," at "kailaliman" dito ay tumutukoy sa parehong bagay - ang lupa sa kanyang ganap na madilim, hindi maayos na anyo bago pa ito ayusin ng Dios. Si Jeremias, sa paglalarawan sa lupa na ito sa loob ng 1,000 taon, ay halos gumamit ng parehong mga termino sa mga ito sa Genesis 1:2: "wasak at walang laman," "walang liwanag," "walang tao," at "madilim" (Jeremias 4:23, 25, 28). Kaya't ang napinsala, madilim na lupa na walang mga taong nabubuhay ay tatawaging di-matarok na kalaliman, o kailaliman, sa loob ng 1,000 taon, tulad ng sa simula bago nakumpleto ang Paglikha. Gayundin, binabanggit ng Isaias 24:22 ang tungkol kay Satanas at sa kanyang mga anghel sa loob ng 1,000 taon bilang "nagtipong sama sama" at "gaya ng mga bilanggo sa hukay."

sg12-q8-devil-chained.jpg

8. Ano ang tanikala na igagapos kay satanas? Bakit siya igagapos?

"Ang isang anghel ... na hawak ...ang isang malaking tanikala ...sinunggaban niya ... si Satanas at ginapos siya ng isang libong taon, ...sinarhan at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang hindi na niya madaya ang mga bansa, hanggang sa matapos ang isang libong taon" (Apocalipsis 20:1–3).

Sagot: Ang tanikala ay may sinasagisag - isang tanikala ng mga pangyayari. Ang isang sobrang lakas na nilalang ay hindi maaaring makulong sa isang literal na tanikala. Si Satanas ay "nakatali" sapagkat wala siyang mga taong malilinlang. Ang mga hindi naligtas ay pawang patay at ang mga naligtas ay nasa langit.

sg12-q8-devil-desolation.jpg

Ikukulong ng Panginoon ang diablo sa mundong ito upang hindi siya makagala sa sansinukob na umaasang mayroon siyang malilinlang. Ang pagpiit sa demonyo na manatili sa mundo, mag-isa kasama ang kanyang mga demonyo sa loob ng isang libong taon na walang sinumang maloloko, ay ang pinakamatinding tanikala para sa kanya.

 SURIIN MULI ANG KAGANAPAN SA SIMULA NG 1000 TAON

 

1. Isang nakawawasak na lindol at graniso (Apocalipsis 16:18-21)

 

2. Ang ikalawang pagparito ni Jesus para sa Kanyang mga banal (Mateo 24:30, 31)

 

3. Ang naligtas na patay na binuhay na mag-uli (1 Tesalonica 4:16)

 

4. Ang mga naligtas na binigyan ng imortalidad (1 Corinto 15:51–55)

 

5. Ang mga naligtas na nabigyan ng katawan tulad ni Jesus (1 Juan 3:2; Filipos 3:20, 21)

 

6. Ang lahat ng matuwid ay aagawin sa mga ulap (1 Tesalonica 4:17)

 

7. Ang mga buhay na masama na papatayin ng hinga ng labi ng Panginoon (Isaias 11:4)

 

8. Ang mga patay na hindi naligtas ay mananatili sa kanilang mga libingan hanggang sa katapusan ng 1,000 taon (Apocalipsis 20: 5)

 

9. Dinala ni Jesus ang matuwid sa langit (Juan 13:33, 36; 14: 2, 3)

 

10. Si Satanas ay igagapos (Apocalipsis 20: 1-3)

9. Sinasabi sa Apocalipsis 20: 4 na magkakaroon ng paghatol sa langit sa loob ng 1,000 taon. Para saan? Sino ang mga kasangkot?

"Nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo sa mga iyon ay pinagkalooban ng kapangyarihang humatol. ...Sila'y nabuhay at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon" (Apocalipsis 2:4).

sg12-q9-hammer-in-court.jpg

"Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga banal ay hahatol sa sanlibutan? ...Hindi ba ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel?" (1 Corinto 6:2, 3).

 

 Sagot: Ang mga naligtas mula sa lahat ng panahon (at marahil kahit na mabubuting anghel) ay lalahok sa paghuhukom sa loob ng 1,000 taon. Ang mga kaso ng lahat ng makasalanan, kabilang ang diablo at ang kanyang mga anghel, ay susuriin. Ang paghuhukom na ito ang sasagot sa anumang mga katanungan na maaaring mayroon ang naligtas tungkol sa mga makasalanan. Sa huli, makikita ng lahat na ang mga tao ay nasasarhan sa langit kung hindi nila nais na mabuhay tulad ni Jesus o makasama Siya.

 SURIIN ANG MGA PANGYAYARI SA PANAHON NG 1,000 TAON:

 

1. Ang daigdig na nasa napinsalang kalagayan mula sa malalaking mga yelo at isang nakawawasak na lindol (Apocalipsis 16:18–21)

 

2. Ang mundo sa ganap na walang liwanag at desyerto, isang "di matarok na kalaliman" (Jeremias 4:23, 28)

 

3. Si Satanas ay nakagapos at napilitang manatili sa lupa (Apocalipsis 20:1-3)

 

4. Ang mga matuwid sa langit ay nakisangkot sa paghahatol (Apocalipsis 20:4)

 

5. Ang masasama ay pawang patay (Jeremias 4:25; Isaias 11:4)

 

Sa loob ng 1,000 taon, ang bawat kaluluwa na nabuhay sa mundo ay mapupunta sa isa sa dalawang lugar: (1) sa lupa, patay at makasalan, o (2) nasa langit, na nakikilahok sa paghuhukom. Inaanyayahan ka ng Panginoon na mapunta sa langit. Mangyaring tanggapin ang Kanyang paanyaya!

sg12-q10-city-in-space.jpg

10. Sa pagtatapos ng 1,000 taon, ang banal na lunsod, ang Bagong Jerusalem, ay bababa mula sa langit patungo sa lupa. Sino ang sasama dito? Saan ito itatatag?

"At nakita ko ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Dios ...At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa trono na nagsasabi, “Masdan ninyo, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao"  (Apocalipsis 21:2, 3).

"Narito, isang araw darating para sa Panginoon ...Sa araw na iyon ay tatayo ang Kanyang mga paa sa Bundok ng mga Olibo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silangan; at ang Bundok ng mga Olibo ay mahahati sa gitna ...Pagkatapos ang Panginoon kong Dios ay darating, kasama ang lahat ng mga banal ...ang buong lupain ay magiging kapatagan mula sa Geba hanggang sa Rimon sa timog ng Jerusalem" (Zacarias 14:1, 4, 5, 10).

  

Sagot: Ang Bagong Jerusalem ay tatahan kung saan nakatayo ngayon ang bundok ng Olibo. Ang bundok ay papatagin upang maging isang malawak na kapatagan, kung saan ang lunsod ay ilalapag. Lahat ng matuwid na tao sa lahat ng panahon (Zacarias 14:5), ang mga anghel ng langit (Mateo 25:31), Dios Ama (Apocalipsis 21: 2, 3), at ang Dios Anak (Mateo 25:31) ay babalik sa lupa kasama ang banal na lunsod para sa espesyal na ikatlong pagparito ni Jesus. Ang ikalawang pagparito ay para sa Kanyang mga banal, habang ang pangatlo ay makakasama ang Kanyang mga banal.

Tatlong pagdating ni Jesus:

sg12-q10-the-mangers-2.jpg

Unang pagdating sa isang sabsaban sa Bethlehem.

sg12-q10-second-coming-2.jpg

Pangalawang pagdating sa mga ulap sa simula ng 1,000 taon upang dalhin ang Kanyang mga banal sa langit.

sg12-q10-city-in-space-2.jpg

Pangatlong pagdating kasama ang banal na lungsod at lahat ng matuwid na tao sa pagtatapos ng 1,000 taon.

sg12-q11-second_resurrection.jpg

11. Ano ang mangyayari sa mga masasamang patay na sa oras na ito? Paano ito makakaapekto kay satanas?

"Ang mga iba sa mga patay ay hindi nabuhay hanggang sa natapos ang isang libong taon. ...At kung matapos na ang isang libong taon, si Satanas ay pakakawalan sa kanyang bilangguan, at lalabas upang dayain ang mga bansa" (Apocalipsis 20:5, 7, 8).

 

Sagot: Sa pagtatapos ng 1,000 taon (pagdating ni Jesus sa pangatlong pagkakataon), ang masasama ay bubuhayin. Si Satanas, na pinalaya mula sa kanyang mga pagkakagapos, ay magkakaroon ng isang sanlibutan na puno ng mga tao (lahat ng mga bansa sa mundo) upang linlangin.

12.  Ano ang gagawin ni Satanas?

"Si Satanas ay ...lalabas upang dayain ang mga bansa ...ng lupa ...upang tipunin sila para sa pakikipagdigma; ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. Umakyat sila sa malawak na lupa at pinaligiran ang kampo ng mga banal, at ang lunsod na minamahal"  (Apocalipsis 20:7–9).

sg12-q12-attacking-the-city.jpg

Sagot: Si satanas, na totoo sa kanyang likas na katangian, ay agad na magsisimulang magsinungaling sa mga taong naiwan sa mundo - ang masasama mula sa lahat ng panahon. (Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pinagmulan ni satanas, tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 2.) Maaari niyang sabihin na ang lunsod ay talagang kanya, na siya ay hindi makatarungan na pinatalsik mula sa kaharian sa langit, na ang Dios ay gahaman sa kapangyarihan at walang awa. Kumbinsihin niya sila na, kung magkaisa sila, walang pagkakataon ang Dios. Kung ang buong mundo ay laban sa isang lunsod, ang tagumpay ay lilitaw na tiyak sa kanila. Ang mga bansa ay magkakaisa at titipunin ang kanilang mga hukbo upang palibutan ang Bagong Jerusalem.

sg12-q13-fire-from-heaven.jpg

13. Ano ang pipigil sa plano ni Satanas na sakupin o sirain ang lunsod?

"Bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y natupok. At ang diyablo na dumaya sa kanila ay inihagis sa ...lawa na nagliliyab sa apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan" (Apocalipsis 20:9, 10; 21:8).

 

"Ang masasama ...ay magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa araw na Aking inihahanda, sabi ng Panginoon ng mga hukbo" (Malakias 4:3).

 

Sagot: Ang apoy ay biglang bababa mula sa langit (hindi mula sa impyerno, tulad ng paniniwala ng marami) sa mga masasama at ang lahat ay magiging abo, kasama na ang diablo at ang kanyang mga anghel (Mateo 25:41). Ang apoy na ito na sisira sa kasalanan at mga makasalanan ay tinatawag na pangalawang kamatayan. Walang pagkabuhay na muli mula sa kamatayang ito. Ito ay pangwakas. Pansinin na ang diablo ay hindi ang nangangalaga ng apoy, tulad ng karaniwang pinaniniwalaan. Siya ay magiging kasama nito, at hindi na muling iiral.

(Para sa buong impormasyon tungkol sa apoy na ito, na kung minsan ay tinatawag na impiyerno, tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 11. Para sa impormasyon tungkol sa kamatayan, tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 10.)

14. Kapag ang masasama ay nasunog at namatay ang apoy, anong maluwalhati, kapanapanabik na pangyayari ang susunod na magaganap?

sg12-q14-the-earth-in-space.jpg

"Sapagkat narito, Ako'y lumilikha ng mga bagong langit at bagong lupa" (Isaias 65:17.

 

"Naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, kung saan ang katuwiran ay naninirahan" (2 Pedro 3:13).

 

"At sinabi ng nakaupo sa trono, “Masdan ninyo, ginagawa Kong bago ang lahat ng mga bagay" (Apocalipsis 2:5).

 

"Ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao. Siya'y maninirahang kasama nila, at sila'y magiging bayan Niya. Ang Dios mismo ay makakasama nila, at Siya'y magiging Diyos nila" (Apocalipsis 20:3).

 

Sagot: Lilikha ang Dios ng bagong langit at bagong lupa, at ang Bagong Jerusalem ang magiging kabiserang lunsod ng mundo na ginawang bago. Ang kasalanan at ang kasamaan nito ay mawawala magpakailanman. Ang bayan ng Dios sa wakas ay tatanggap ng kahariang ipinangako sa kanila. "Sila'y magtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kalungkutan at ang pagbubuntong-hininga ay maglalaho" (Isaias 35:10). Ito ay simpleng hindi kapani-paniwala upang ilarawan at masyadong maluwalhati upang makaligtaan! Ang Dios ay mayroong lugar na inihanda para sa iyo (Juan 14:1–3). Hangarin na manirahan dito. Naghihintay si Jesus para sa iyong pagpayag. (Para sa buong impormasyon tungkol sa langit, tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 4.)

Suriin muli ang mga pangyayari sa pagtatapos ng 1,000 na taon:

 

 

1. Pangatlong pagparito ni Jesus kasama ang Kanyang mga banal (Zacarias 14:5).

2. Ang banal na lunsod ay itatayo sa Bundok ng mga Olibo, na kung saan ay naging isang malawak na kapatagan (Zacarias 14:4, 10).

 

3. Ang Ama, ang Kanyang mga anghel, at lahat ng matuwid ay kasama ni Jesus (Apocalipsis 21:1-3; Mateo 25:31; Zacarias 14:5).

 

4. Ang masamang patay ay nabuhay; Si Satanas ay pinalaya (Pahayag 20: 5, 7).

 

5. Nililinlang ni Satanas ang buong mundo (Apocalipsis 20:8).

 

6. Napapalibutan ng masama ang banal na lungsod (Apocalipsis 20:9).

 

7. Ang masasama ay nawasak ng apoy (Apocalipsis 20:9).

 

8. Nilikha ang Bagong langit at lupa (Isaias 65:17; 2 Pedro 3:13; Apocalipsis 21:1).

 

9. Ang bayan ng Dios ay magtatamasa ng kawalang hanggan kasama ng Dios sa bagong lupa (Apocalipsis 21:2–4).

sg12-q14-two-girls.jpg
sg12-q15-signs-verical-2.jpg

15. Maaari ba nating malaman kung gaano kalapit na mangyari ang mga mahahalagang kaganapan na ito?

"Kapag nakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, alam ninyong Siya'y malapit na, nasa mga pintuan na" (Mateo 24:33).

 

"Kapag nagsimulang mangyari ang mga bagay na ito, tumingala kayo at itaas ninyo ang inyong mga ulo, sapagkat malapit na ang katubusan ninyo" (Lucas 21:28).

 

"Sapagkat mabilis at tiyak na isasagawa ng Panginoon ang kanyang salita sa lupa" (Roma 9:28).

 

"Kapag sinasabi nila, 'Kapayapaan at katiwasayan,' kaagad darating sa kanila ang biglang pagkawasak"  (1 Tesalonica 5:3).

 

 Sagot: Sinabi ni Jesus kung ang mga palatandaan ng Kanyang pagparito ay mabilis nang natutupad, tulad ng sa ngayon, dapat tayong magalak na malaman na ang wakas ng mundong ito ng

kasalanan ay malapit na - nasa mga pintuan na. At sinabi ni apostol Pablo na malalaman natin na ang wakas ay malapit na kapag mayroong isang malakihang kilusan para sa kapayapaan sa mundo. Sa wakas, sinabi ng Biblia na mabilis at tiyak na isasagawa ng Panginoon ang Kanyang salita (Roma 9:28). Kaya't walang duda, nabubuhay tayo sa hiram na oras. Ang Dios ay darating nang bigla at hindi inaasahan — sa oras na hindi alam ng sinuman, ngunit sa Dios Ama lamang (Mateo 24:36; Gawa 1:7). Ang ating seguridad lamang ay ang maging handa ngayon.

16. Si Jesus, na mahal na mahal ka, ay naghanda ng isang lugar para sa iyo sa Kanyang kamangha-manghang kaharian na walang hanggan. Gumagawa ka ba ng mga plano upang manirahan sa maluwalhating tahanan na pasadyang itinayo para sa iyo ni Jesus mismo?

 

Sagot:

sg13-q16-Jesus-inviting-revised.jpg

Mga Palaisipang Katanungan:

 

1. Gaano kahaba ang tagal ng panahon mula sa araw na bumaba ang banal na lunsod hanggang sa ang masasama ay nawasak ng apoy mula sa langit?

    

     Sinasabi ng Biblia na ito ay magiging "maikling panahon" (Apocalipsis 20:3). Sapat na oras ang kakailanganin para mahimok ni Satanas ang mga tao na sundin ang kanyang plano at maghanda ng mga sandatang pangdigma. Ang eksaktong haba ng oras ay hindi isiniwalat sa Banal na Kasulatan.

 

2. Anong uri ng katawan magkakaroon ang mga tao sa bagong kaharian ng Dios?

 

     Sinabi ng Biblia na ang mga tinubos ay magkakaroon ng mga katawang tulad ni Jesus (Filipos 3:20, 21). Si Jesus ay mayroong totoong katawan ng laman at buto pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli (Lucas 24:36–43). Ang mga naligtas ay hindi magiging multo. Sila ay magiging totoong tao, tulad din nina Adan at Eba na mayroong totoong katawan.

 

3. Sinasabi ba ng Biblia kung ano ang magiging reaksyon ng mga makasalanan sa ikalawang pagparito ni Jesus?

 

Oo. Sinabi ng Biblia na sila ay iiyak “sa mga bundok at sa mga bato, “Mahulog kayo sa amin at itago ninyo kami mula sa mukha ng nakaupo sa trono, at mula sa poot ng Kordero;apagkat dumating na ang dakilang araw ng kanilang pagkapoot, at sino ang makakatagal? ’” (Apocalipsis 6:16, 17). (Tingnan din sa mga talata 14 at 15.) Ang matuwid, sa kabilang banda, ay sasabihin, “Ito'y ating Dios; hinintay natin Siya at ililigtas Niya tayo. Ito ang Panginoon; ating hinintay Siya, tayo'y matuwa at magalak sa Kanyang pagliligtas” (Isaias 25: 9).

 

4. Makikita ba ng masasama ang mga matuwid na nasa loob ng Bagong Jerusalem?

 

     Hindi natin alam na may katiyakan, ngunit sinasabi ng Biblia na ang pader ng lunsod ay ang uri na makikitang malinaw — malinaw na tulad ng kristal (Apocalipsis 21:11, 18). Ang ilan ay naniniwala na ang Awit 37:34 at Lucas 13:28 ay nagmumungkahi nang mga naligtas at ang mga hindi naligtas ay makikita ang bawat isa.

 

5. Sinasabi ng Biblia na papahirin ng Dios ang lahat ng luha sa mga mata ng Kanyang bayan at wala nang kamatayan, kalungkutan, o sakit. Kailan ito mangyayari?

Mula sa Apocalipsis 21: 1–4 at Isaias 65:17, nagpapakita na magaganap ito pagkatapos malinis ang kasalanan mula sa lupa. Sa panahon ng huling paghuhukom at pagkawasak ng kasalanan sa pamamagitan ng apoy, ang bayan ng Dios ay magkakaroon ng maraming mga kadahilanan para sa matinding kalungkutan. Habang napagtanto nila na ang mga kamag-anak at kaibigan ay nawala at ang mga taong mahal nila ay nawasak sa apoy, ang pagdurusa ay walang dudang magdadala ng luha at pighati sa bayan ng Dios. Ngunit pagkamatay ng apoy, pupunasan ng Panginoon ang kanilang luha. Lilikha Siya pagkatapos ng bagong langit at bagong lupa para sa Kanyang bayan, na magdadala sa kanila ng hindi mabigkas na kagalakan at katuparan. At ang kapighatian, kalungkutan, pag-iyak, at bagbag ng puso ay mawawala magpakailanman. (Para sa higit pa sa makalangit na tahanan ng bayan ng Dios, tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 4.)

 

6. Paano makakaapekto ang pagkawasak ng mga masasamang anghel at tao sa Dios Ama at sa Kanyang Anak?

 

Walang alinlangan na sila'y mapapanatag at masayang-masaya na ang masalimuot na sakit ng kasalanan ay nawala nang tuluyan at ang sansinukob ay ligtas na magpakailanman. Ngunit tulad ng katiyakan, makakaranas din sila ng matinding kalungkutan sa katotohanan na marami sa mga mahal nila - at para kanino namatay si Jesus - ay pumili na kumapit sa kasalanan at tanggihan ang kaligtasan. Si satanas mismo ay dating nilang kaibigan, at maraming mga tao sa apoy ang dating minamahal nilang mga anak. Ito ay magiging katulad ng matinding paghihirap na makita ang isa sa iyong sariling mga anak na walang katuturan na pinatay. Ang kasalanan ay naging isang mabigat na pasanin sa Ama at Anak mula nang magsimula ito. Ang kanilang hangarin ay ang mahalin ang mga tao at banayad na ilapit sila sa kaligtasan. Ang kanilang damdamin ay ipinahayag sa Oseas 11:8, na nagsasabing, "Paano kitang pababayaan, O Efraim? Paano kita itatakuwil, O Israel?? ... Ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking habag ay nagningas."

 

7. Anong uri ng katawan mayroon si Jesus?

 

Mayroon siyang katawan na may laman at buto. Matapos ang Kanyang pagkabuhay na mag-uli, nagpakita si Jesus sa Kanyang mga alagad (Lucas 24: 36–43) at ipinakita na Siya ay laman at buto sa pamamagitan ng pagdama sa kanila ng Kaniyang katawan at sa pamamagitan ng pagkain ng ilang mga isda at pulot.

 

Umakyat si Jesus

Pagkatapos ay lumakad Siya kasama nila patungo sa Betania at, pagkatapos Niyang makipag usap sa kanila, ay umakyat sa langit (Lucas 24:50, 51). Ang anghel na nagpakita sa mga disipulo nang umakyat si Jesus ay nagpaliwanag, "Itong si Jesus, na dinala sa langit mula sa inyo ay darating na gaya rin ng inyong nakitang pagpunta niya sa langit" (Gawa 1:11).

 

Ang Parehong Jesus Na Ito Ay Magbabalik

Ang binigyang diin ng anghel ay ang parehong Jesus (na laman at buto) na ito ay muling darating. Siya ay  totoo, hindi multo, at ang mga nabuhay na banal ay magkakaroon ng mga katawan tulad Niya (Filipos 3:20, 21; 1 Juan 3:2). Ang mga bagong katawan ng mga santo ay hindi nabubulok din at walang kamatayan (1 Corinto 15:51–55).

Watch Sermon Video of Pastor Dough Batchelor

Do you have bible questions?Join our online Bible study or contact us through

0585082852

  • White Facebook Icon

Find us on Facebook

  • YouTube

visit us on Youtube

bottom of page