top of page
2BookNature-1080x675.jpg

Start

your day

With god

ENGLISH

The Time Is Near for the Spirit's Departing, May 30

And the Spirit and the bride say, Come. And let him that heareth say, Come. And let him that is athirst come. And whosoever will, let him take the water of life freely. Revelation 22:17. YRP 159.1

Probationary time will not continue much longer. Now God is withdrawing His restraining hand from the earth. Long has He been speaking to men and women through the agency of His Holy Spirit; but they have not heeded the call. Now He is speaking to His people, and to the world, by His judgments. The time of these judgments is a time of mercy for those who have not yet had opportunity to learn what is truth. Tenderly will the Lord look upon them. His heart of mercy is touched; His hand is still stretched out to save. Large numbers will be admitted to the fold of safety who in these last days will hear the truth for the first time. YRP 159.2
The Lord calls upon those who believe in Him to be workers together with Him. While life shall last, they are not to feel that their work is done. Shall we allow the signs of the end to be fulfilled without telling people of what is coming upon the earth? Shall we allow them to go down in darkness without having urged upon them the need of a preparation to meet their Lord? Unless we ourselves do our duty to those around us, the day of God will come upon us as a thief. Confusion fills the world, and a great terror is soon to come upon human beings. The end is very near. We who know the truth should be preparing for what is soon to break upon the world as an overwhelming surprise. YRP 159.3
As a people, we must prepare the way of the Lord, under the overruling guidance of the Holy Spirit. The gospel is to be proclaimed in its purity. The stream of living water is to deepen and widen in its course. In fields nigh and afar off, men will be called from the plow, and from the more common commercial business vocations, and will be educated in connection with men of experience. As they learn to labor effectively, they will proclaim the truth with power. Through most wonderful workings of divine providence, mountains of difficulty will be removed. YRP 159.4
The message that means so much to the dwellers upon earth will be heard and understood. Men will know what is truth. Onward, and still onward, the work will advance, until the whole earth shall have been warned. And then shall the end come.—The Review and Herald, November 22, 1906. YRP 159.5

TAGALOG

MALAPIT NA ANG PANAHON PARA 
               SA PAG-ALIS NG ESPIRITU

Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, "Halika." At ang nakikinig ay magsabi, "Halika." At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.       
                     Apocalipsis 22:17.

     Hindi magtatagal ang oras ng pagsubok. Iniuurong na ng Diyos ngayon mula sa lupa ang Kanyang kamay na pumipigil. Matagal na Siyang nagsasalita sa mga lalaki at babae sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Banal na Espiritu; ngunit hindi sila tumalima sa panawagan. Ngayo'y nangungusap Siya sa Kanyang bayan, at sa sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang mga kahatulan. Ang panahon ng mga kahatulang ito ay panahon ng habag para sa kanila na hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na matutuhan kung ano ang katotohanan. Magiliw na titingin ang Panginoon sa kanila. Nahipo ang Kanyang puso ng kahabagan; nakaunat pa rin ang Kanyang kamay upang magligtas. Tatanggapin ang marami sa kawan ng kaligtasan na sa mga huling araw na ito'y makikinig sa katotohanan sa unang pagkakataon. 
    Nananawagan ang Panginoon sa kanilang nananampalataya sa Kanya upang maging mga manggagawa kasama Niya. Habang may buhay, hindi sila dapat makadama na natapos na ang kanilang gawain. Pababayaan ba nating maganap ang mga tanda ng huling araw na hindi sinasabihan ang mga tao kung ano ang paparating sa mundo? Pababayaan ba natin silang mahulog sa kadiliman na hindi inilalahad sa kanila ang pangangailangan ng paghahanda upang salubungin ang kanilang Panginoon? Malibang tayo mismo ay gagawa sa ating tungkulin sa mga nakapaligid sa atin, darating ang araw ng Diyos sa atin na parang magnanakaw. Puno ng kalituhan ang sanlibutan, at paparating ang isang malaking katatakutan sa mga tao. Napakalapit na ang kawakasan. Tayong nakakaalam ng katotohanan ay dapat na naghahanda para sa malapit nang dumating sa mundo bilang isang malaking kamanghaan. 
    Bilang isang bayan, kailangan nating ihanda ang daan ng Panginoon, sa ilalim ng nangingibabaw na gabay ng Banal na Espiritu. Kailangang maipangaral ang ebanghelyo sa kadalisayan nito. Ang agos ng nabubuhay na tubig ay kailangang lumalim at lumawak sa dadaanan nito. Sa mga lugar na malapit at malayo, tatawagin ang mga lalaki mula sa araro, at mula sa higit na pangkaraniwang negosyo, at matuturuan na kaugnay ng mga lalaking may karanasan. Habang natututuhan nilang gumawa nang mabisa, ipapahayag nila ang katotohanan na may kapangyarihan. Sa gitna ng kamangha-manghang paggawa ng Diyos, maaalis ang mga bundok ng kahirapan. 
    Ang mensaheng napakahalaga sa maraming naninirahan sa lupa ay mapapakinggan at mauunawaan. Malalaman ng mga tao kung ano ang katotohanan. Patuloy na susulong ang gawain, hanggang mabigyan ng babala ang buong lupa. At pagkatapos ay darating ang wakas. -- REVIEW AND HERALD, November 22, 1906. 

0585082852

  • White Facebook Icon

Find us on Facebook

  • YouTube

visit us on Youtube

bottom of page