top of page

Isang Napakalaking Lunsod sa Kalawakan

Mga Talata: Hebreo 11:16, Apocalipsis 21:2, Zefanias 3:17

SG04-new-study-guide-cover.jpg

Leksiyon 4

Isipin mo ang iyong paboritong bayan o lunsod nang walang anumang mga
lubak, trapiko, polusyon, o anumang uri ng krimen! Imposible? Ang Biblia ay tumutukoy sa isang lungsod na may mga kalsadang nalalatagan ng ginto! At sa loob ng matayog na pader nito na gawa sa purong jasper, walang kahit isang tao na umuubo, bumabahing, o naglalakad na may sakit. Ang bawat isa ay nasa perpektong kalusugan at masisiyahan sa piling ng bawat isa. Nais mo bang makabisita sa lungsod na ito? Sa gayon, hindi mo lamang ito maaaring bisitahin, maaari ka ring tumira doon! Basahin mo ito upang malaman kung paano ...

1. Sino ang nagdisenyo at gumawa ng kahanga hangang lunsod na ito?

"Kaya't ang Dios ay hindi nahihiyang tawaging Dios nila, sapagkat Kanyang
ipinaghanda sila ng isang lunsod" (Hebreo 11:16).


Sagot: Sinasabi ng Biblia na ang Dios ay nagtatayo ng isang kahanga-hanga at napakalaking lunsod para sa Kanyang bayan — at ito ay totoong tulad ng anumang ibang lunsod sa mundo!

2. Saan ang kahanga hangang lunsod na ito?

SG04-q1-golden-city.jpg

"At nakita ko[Juan] ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Dios" (Apocalipsis 21:2).
"O Panginoon kong Dios ...dinggin mo sa langit na Iyong tahanan" (1 Hari 8:28, 30)


Sagot: Sa sandaling ito, ang banal na lunsod ay kasalukuyang ginagawa sa langit.
 

SG04-q3-square-city.jpg

3. Paano inilalarawan ng Biblia ang kamangha-manghang lunsod na ito?

Sagot:
A. Pangalan

Ang lunsod ay tinatawag sa pangalang "Bagong Jerusalem"

(Apocalipsis 21:2).

B. Sukat
"At ang pagkatayo ng lunsod ay parisukat, at ang kanyang haba ay gaya ng kanyang luwang, at sinukat niya ang lunsod ng kanyang panukat, labindalawang libong estadio" (Apocalipsis 21:16).Ang lunsod ay perpektong parisukat. Ang palibot nito ay 12,000 estadio — katumbas ng 1,500 milya. Ito ay 375 milyang haba sa bawat panig!

C. Pader
Sinukat din niya ang pader nito, isandaan at apatnapu't apat na siko ang taas, ayon sa sukat ng tao, na siyang ginagamit ng anghel. Ang malaking bahagi ng pader ay jasper" (Apocalisis 21: 17,18). Isang pader na nakatayo na may taas na 144 siko —na 216 talampakan ang taas! —Nakapalibot sa lunsod. Ang pader ay gawa sa purong jasper, na may ningning at kagandahang hindi mailalarawan.
Isipin mo: halos 20 palapag ang taas at purong jasper!


D. Pintuan
Ito ay mayroong isang malaki at mataas na pader, na may labindalawang pintuan ...Sa silangan ay tatlong pintuan, sa hilaga ay tatlong pintuan, sa timog ay tatlong pintuan, at sa kanluran ay tatlong pintuan. ...At ang labindalawang pintuan ay labindalawang perlas, at bawat pinto ay yari sa isang perlas" (Apocalipsis 21:12,13, 21).


E. Pundasyon
At ang pader ng lunsod ay may labindalawang saligan ...ginagayakan ng sari- saring mahahalagang bato. Ang unang saligan ay jasper, ang ikalawa ay safiro, ang ikatlo ay calcedonia, ang ikaapat ay esmeralda,ang ikalima ay onix, ang ikaanim ay sardio, ang ikapito ay crisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam ay topacio, ang ikasampu ay crisopasio, ang ikalabing-isa ay jacinto, ang ikalabindalawa ay ametista. (Apocalipsis 21: 14, 19, 20). Ang lunsod ay mayroong 12 na buo at kumpletong pundasyon - bawat isa ay gawa sa mahalagang bato. Kinakatawan ang bawat kulay ng bahaghari, kaya sa malayo, ang lunsod ay lilitaw na nakasalig sa isang bahaghari.


F. Lansangan
"Ang lansangan ng lunsod ay dalisay na ginto, na gaya ng naaaninag na salamin" (Apocalipsis 21:21).

 

G. Anyo
"Ang banal na lunsod ... na nakahanda na gaya ng isang babaing ikakasal na nagagayakan para sa kanyang asawa. ...na may kaluwalhatian ng Dios, ang kanyang ningning ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jasper, na malinaw na gaya ng kristal. ...At ang pagkatayo ng lunsod ay parisukat, at ang kanyang haba ay gaya ng kanyang luwang" (Apocalipsis 21:2, 11, 16). Ang lunsod, na may mga mahahalagang bato, ginto, at kumikinang na kagandahan, ay liliwanagan ng kaluwalhatian ng Dios. Ang kamangha- manghang kadakilaan at kadalisayan nito ay inihambing sa "isang babaing ikakasal na nagagayakan para sa kanyang asawa."

SG04-q4-tree-of-life.jpg

4. Anong kahanga-hangang katangian ng kamangha-manghang lunsod angtumitiyak sa bawat ma mamayan nang walang hanggang kabataan at kalusugan?

"Sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay naroon ang punungkahoy ng buhay, na namumunga ng labindalawang iba't ibang bunga, nanamumunga sa bawat buwan; at ang mga dahon ng pun ungkahoy ay para sa pagpapagaling sa mga bansa" (Apocalipsis 22:2).


"Pumitas din ng bunga ng punungkahoy ng buhay, at kumain, at mabuhay magpakailanman" (Genesis 3:22).


Sagot: Ang punungkahoy ng buhay na namumunga ng 12 uri ng bunga, ay nasa gitna ng lungsod (Apocalipsis 2:7), at nagdadala ng walang katapusang buhay at kabataan sa lahat ng kumakain mula rito. Kahit na ang mga dahon nito ay naglalaman ng mga kamangha-manghang mga katangian na nakapagpapalakas.
Ang punong ito ay magbubunga ng bagong bunga bawat buwan.

5. Totoo bang ang kamangha-manghang lunsod na ito ay bababa sa lupa?

"At nakita ko ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Dios, na nakahanda na gaya ng isang babaing ikakasal na nagagayakan para sa kanyang asawa" (Apocalipsis 21:2).


“Mapapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang lupa"(Mateo 5:5).


"Ang  matuwid sa lupa ay ginagantihan" (Kawikaan 11:31).

Sagot: Oo! Ang marilag na banal na lunsod ay bababa sa lupang ito upang maging kabisera ng daigdig na ginawang bago. Ang lahat ng nailigtas ay magkakaroon ng tahanan sa lunsod na ito.

SG04-q5-World.jpg
SG04-q6-earth-on-fire.jpg

6. Ano ang mangyayari sa kasalanan at mga hindi naligtas?

"Ang lahat ng palalo at lahat ng gumagawa ng masama ay magiging parang ipa, at ang araw na dumarating ang susunog sa kanila"

(Malakias 4:1).


"Ang mga sangkap ay matutupok sa apoy at ang lupa at ang mga gawang naroon ay masusunog" (2 Pedro 3:10).
 

"Inyong yayapakan ang masasama sapagkat sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa" (Malakias 4:3).
"Ngunit, ayon sa kanyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, kung saan ang katuwiran ay naninirahan"  

(2 Pedro 3:13).


Sagot: Lilinisin ng Dios ang mundo mula sa kasalanan; Linisin din Niya, sa matinding kalungkutan, ang mundo mula sa mga magpapatuloy sa kasalanan. Pagkatapos ang Dios ay gagawa ng isang perpektong bagong lupa. Ang banal na lunsod ay magiging kabisera ng daigdig. Dito, ang mga naligtas ay mabubuhay sa kagalakan, kapayapaan, at kabanalan magpakailanman. Nangako ang Dios na ang kasalanan ay hindi muling babangon. Tingnan ang Nahum 1:9.


(Para sa karagdagang impormasyon sa impiyerno, tingnan ang Gabay sa Pag- aaral 11.)

7. Anong mga kapanapanabik na pangako ang gagawin ng Dios sa mga taong papasok sa Kanyang bagong kaharian?

Sagot:
A. Ang Panginoon ay personal na mananahang kasama nila  

(Apocalipsis 21:3).
 

B. Hindi na sila maiinip. Magkakaroon ng kasiyahan magpakailanman (Mga Awit 16:11).
 

C. Wala nang kamatayan, sakit, luha, kalungkutan, sakit, ospital, operasyon, trahedya, pagkabigo, kaguluhan, gutom, o uhaw

(Apocalisis 21:4; Isaias 33:24; Isaias 65:23; Apocalipsis 7:16).
 

SG04-q7-happy-man.jpg

D. Hindi na sila mapapagod (Isaias 40:31).


E. Ang bawat tao ay magiging pisikal na ganap sa lahat ng paraan. Makakarinig ang bingi, makakakita ang bulag, at tatakbo ang paralisado (Isaias 35:5, 6; Filipos 3:21).


F. Ang panibugho, takot, poot, kasinungalingan, inggit, karumihan, pangungutya, dumi, pag-aalala, at lahat ng kasamaan ay hindi iiral sa kaharian ng Dios (Apocalipsis 21:8, 27; 22:15). Ang mga tao ay hindi na mabibigatan sa mga alalahanin at pighati na umaabala at sumisira sa kanila. Wala nang pagkabalisa. Ang oras ay magiging walang-hanggan, at ang mga panggigipit at deadline ng mundo ngayon ay mawawala magpakailanman.

SG04-q8-lion-and-lamb.jpg

8. Paano magkakaiba ang bagong lupa sa ating sanlibutan ngayon?

Sagot:
A. Ang malawak na karagatan na alam natin ngayon ay mawawala (Apocalipsis21:1). Ngayon, sakop ng mga karagatan ang halos 70 porsyento ng ibabaw ng mundo. Hindi ito ang magiging kaso sa bagong kaharian ng Dios. Ang buong mundo ay magiging isang malaking hardin na walang katumbas na kagandahan, na kalakip ng mga lawa, ilog, at bundok (Apocalipsis 22:1; Gawa 3:20, 21).


B. Ang mga disyerto ay mapapalitan ng mga hardin (Isaias 35:1, 2)


C. Ang bawat hayop ay magiging mahinahon. Walang nilalang — mga lobo,leon, oso, atbp. - ang mambibiktima sa iba, at maliliit na bata ang papatnubay sa kanila (Isaias 11:6-9; Isaias 65:25).
 

D. Wala nang sumpa (Apocalipsis 22:3). Ang sumpa ng kasalanan, tulad ng sinabi sa Genesis 3:17–19, ay mawawala na.

E. Wala nang anumang uri ng karahasan (Isaias 60:18).Kabilang dito ang krimen, bagyo, baha, lindol, buhawi, pinsala, at iba pa.
 

F. Walang makikitang paglapastangan (Apocalipsis 21:27). Hindi magkakaroon ng kalasingan, mga pagawaan ng alak, inuming nakalalasing, bahay-alitan, pornograpiya, o anumang iba pang uri ng karumihan sa bagong kaharian.

9. Magkakaroon ba ng maliliit na bata sa kaharian ng Diyos? Kung ganon, sila ba ay tatanda?

"Ang mga lansangan ng lunsod ay mapupuno ng mga batang lalaki at babae na naglalaro sa mga lansangan nito" (Zacarias 8:5).
"Kayo'y lalabas at luluksong parang mga guya" (Malakias 4:2).

SG04-q9-children-running.jpg

Sagot: Maraming mga maliliit na bata sa banal na lunsod (Isaias 11: 6–9) at angmga batang ito ay tatanda. Mula pa nang nahulog ang tao, bumaba ang atingtangkad, talino, at sigla — ngunit ang lahat ng ito ay maibabalik! (Gawa 3:20,21).

SG04-q10-family-reunion.jpg

10. Kapag ang mga mahal sa buhay ay muling magkakasama sa langit, makikilala ba nila ang isa't isa?

"Lubos kong mauunawaan kung papaanong ako ay lubos na nakikilala" (1 Corinto 13:12).


Sagot: Malinaw na itinuturo ng Biblia na ang mga naligtas na namatay ay mabubuhay na muli, makakasama sa mga naligtas na nabubuhay, at magkakasamang papasok sa bagong kaharian ng Diyos (Isaias 26:19; Jeremias 31:15–17; 1 Corinto 15:51–55; 1 Mga Taga Tesalonica 4:13–18). Itinuturo din nito na ang mga mahal sa buhay sa bagong kaharian ng Diyos ay magkakilala, tulad ng pagkilala ng mga tao sa bawat isa sa mundo ngayon.

11. Ang mga tao ba sa langit ay gawa sa laman at buto?

"Si Jesus ay tumayo sa gitna nila at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan.' Subalit sila'y kinilabutan at natakot at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. Sinabi Niya sa kanila, “Bakit kayo'y natatakot at bakit may pag-aalinlangan sa inyong puso? Tingnan ninyo ang Aking mga kamay at mga paa, sapagkat Ako nga ito. Hipuin ninyo Ako, at tingnan, sapagkat ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.' ...Samantalang nasa kanilang kagalakan ay hindi pa sila naniniwala at nagtataka, sinabi niya sa kanila, 'Mayroon ba kayo ritong anumang makakain?' At kanilang binigyan siya ng isang pirasong inihaw na isda. Kanyang kinuha iyon at kumain sa harapan nila. ... Kanyang inilabas sila hanggang sa tapat ng Betania at ... sila'y Kanyang binasbasan ...Kanyang iniwan sila [at dinala Siya paitaas sa langit]" (Lucas 24:36 39, 41–43, 50, 51).

"Itong si Jesus, na dinala sa langit mula sa inyo ay darating na gaya rin ng inyong nakitang pagpunta niya sa langit" (Gawa 1:11). "Ang Panginoong Jesu-Cristo ... na Siyang magbabago ng ating hamak na katawan upang maging katulad ng katawan ng Kanyang kaluwalhatian" (Filipos 3:20, 21).


Sagot: Matapos ang Kanyang pagkabuhay na mag-uli, pinatunayan ni Jesus sa mga alagad na Siya ay laman at buto sa pamamagitan ng paghawak sa Kanya at sa pagkain ng pagkain. Ang parehas na Jesus na ito ay umakyat sa Kanyang Ama at muling babalik sa mundo. Ang mga naligtas ay bibigyan ng katawang  tulad ng katawan ni Cristo at magiging pisikal na tao na may laman at buto hanggang sa walang hanggan. Ang pagkakaiba ay ang ating mga katawang langit ay hindi sasailalim sa pagkasira at kamatayan. Ang katuruang ang naligtas sa langit ay magiging mga espiritu lamang na lumulutang sa ulap at walang ginawa kundi ang magpatugtog ng mga alpa ay walang katibayan sa Biblia. Si Jesus ay hindi namatay sa krus upang magbigay ng anumang walang saysay na hinaharap para sa mga tumatanggap ng Kanyang pag-ibig a sumusunod sa Kaniyan g pamamaraan. Karamihan sa mga tao ay walang interessa gayong pag iral at, samakatuwid, ay walang pagnanais na pumasok sa kaharian ng langit ng Dios - kung minsan ay ginugusto lamang ito dahil natatakot sila sa impiyerno. Kung ang bawat tao ay malalaman ang katotohanan tungkol sa banal na lunsod ng Dios at ang bagong lupa, milyon-milyon pa ang maaaring magsimulang maunawaan ang Kanyang pag-ibig at magbaling sa Kanya at tangkilikin ang kapayapaan, kagalakan, at hangaring pinanukala Niya na maranasan nila.

SG04-q12-fruit-on-table.jpg

12. Paano gugugulin ng mga tao ang kanilang panahon sa bagong
kaharian?

"At sila'y magtatayo ng mga bahay at kanilang titirahan ang mga iyon; at sila'y magtatanim ng ubasan at kakain ng bunga niyon. Sila'y hindi magtatayo at iba ang titira, sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain ... at matagal na tatamasahin ng Aking pinili ang gawa ng kanilang mga kamay" (Isaias 65:21, 22).

Sagot: Ang mga naligtas ay magtatayo ng kanilang sariling mga tahanan sa bagong lupa. (Ang bawat tao ay magkakaroon din ng bahay sa lunsod na itinayo ni Cristo — tingnan sa Juan 14:1-3.) Magtatanim sila ng mga ubasan at kakainin ang mga bunga mula sa mga ito. Ang Biblia ay malinaw tungkol dito: Ang totoong mga tao ay gumagawa ng mga totoong bagay sa langit, at masisiyahan silang lahat dito.

13. Anu ano pa ang gagawin ng mga naligtas sa paraisong ito?

Sagot:
A. Aawit at tutugtog ng makalangit na musika (Isaias 35:10; 51:11; Awit 87:7; Apocalipsis 14:2, 3).


B. Sumamba sa harap ng trono ng Dios bawat linggo

(Isaias 66:22,23).


C. Masiyahan sa mga bulaklak at puno na hindi kumukupas (Ezekiel 47:12; Isaias 35:1, 2).


D. Dumalaw sa mga mahal sa buhay, ninuno, tauhan sa Biblia, atbp. (Mateo 8:11; Apocalipsis 7:9–17).


E. Pag-aralan ang mga hayop sa paraiso (Isaias 11:6–9; 65:25).


F. Maglakbay at magtuklas nang hindi kailanman napapagod (Isaias 40:31).


G. Makinig sa pag awit ng Panginoon (Zefanias 3:17).

SG04-q13-enjoying-heaven (1).jpg

H. Maranasan ang kanilang pinakamatinding kagustuhan (Awit 37:3, 4; Isaias 65:24).


I. At ang pinakadakilang kagalakan sa lahat — tamasahin ang pribilehiyo na maging katulad ni Jesus, naglalakbay kasama Niya, at makita Siya nang mukhaan! (Apocalipsis 14:4; 22:4; 21:3; 1 Juan 3:2).

SG04-q14-stars-and-men (1).jpg

14. Kaya bang ilarawan ng salita ng tao ang kalwalhatian ng ating tahanan sa Paraiso?

“Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya” (1 Corinto 2:9).

Sagot: Ni sa mga panaginip ay hindi mauunawaan ng puso ng sangkatauhan ang mga kababalaghan ng walang hanggang kaharian ng Diyos. Ang paraiso na nawala kay Adan ay ibabalik (Gawa 3:20, 21).

15. Ang kaharian ito ba ay inihahanda para sa iyo mismo?

"Ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad" (Apocalipsis 22:17).
"Tungo sa isang manang hindi nasisira, ...na inilaan sa langit para sa inyo" (1 Pedro 1:4).
"Ako'y paparoon upang ihanda Ko ang lugar para sa inyo" (Juan 14:2).


Sagot: Oo! Inihahanda ito para sa iyo mismo — ngayon. At ang paanyaya mula sa Panginoon ay sa iyo mismo. Mangyaring huwag tanggihan ang Kanyang alok!
 

SG04-q16-Knocking-on-heart.jpg

16. Paano ka makasisiguro ng isang lugar sa dakila at maluwalhating kaharian na ito?

" Makinig ka! Ako'y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang Aking tinig at buksan ang pinto, Ako'y papasok sa kanya" (Apocalipsis 3:20).


"Hindi lahat ng nagsasabi sa Akin ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21).

"Mapapalad ang naghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punungkahoy ng buhay at makapasok sa lunsod sa pamamagitan ng mga pintuan" (Apocalipsis 22:14).
"Subalit ang lahat ng tumanggap sa Kanya na sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay Kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos" (Juan 1:12).


"Ang dugo ni Jesus na Kanyang Anak ang lumilinis sa atin sa lahat ng
kasalanan" (1 Juan 1:7).

Sagot: Ibigay ang iyong buhay kay Cristo at manatili sa Kanya upang malinis ka Niya mula sa kasalanan at pagnanasang magkasala. Napakasimple nito! Kapag sumunod ka sa Kanya, binibigyan ka ni Jesus ng kapangyarihan na gawin ang Kanyang kalooban at panatilihin ang Kanyang mga utos mula sa magiliw na pagsunod. Nangangahulugan ito na magsisimulang mabuhay ka tulad ng pamumuhay ni Cristo at tutulungan ka Niya na mapagtagumpayan ang lahat ng kasalanan. "Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito" Apocalipsis 21:7). Ang isang tao ay handa para sa langit kapag ang langit ay nasa puso.

17. Tinanggap mo ba ang maluwalhating paanyaya ni Jesus na manirahan kasama Niya magpakailanman sa Kanyang kaharian sa langit?


Sagot:

Palaisipang Katanungan:


1. Paano magiging isang masayang lugar ang langit kung naiisip ng mga naligtas ang mga mahal sa buhay na naligaw?


Sinasabi ng Biblia na "papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata" (Apocalipsis 21:4). Napapaligiran ng kagandahan at kagalakan ng bagong lupa, ang mga tinubos na bayan ng Diyos ay makakalimutan ang mga trahedya at sakit ng puso ng nakaraan. Sinasabi ng Isaias 65:17, "Ang mga dating bagay ay hindi na maaalala, o darating man sa isipan."


2. Sinasabi ng Biblia, "Ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos" (1 Corinto 15:50). Paano, kung gayon, na ang mga tinubos ay laman at buto?


Dito binigyang diin ni apostol Pablo ang sinabi niya sa mga talata 35–49, na ang ating nabuhay na mga katawan ay magkaiba sa ating kasalukuyang mga katawan. Binago ng kasalanan ang ating mga katawan at ang ating mga likas na katangian. Samakatuwid, kapag pumasok tayo sa naibalik paraiso ng Eden, ang ating mga katawan ay mababago upang lubos nating matamasa ang pagiging perpekto ng langit. Ang "laman at dugo" ay isang tayutay na tumutukoy sa katawan ng tao sa lupa (tingnan sa Mateo 16:17; Galacia 1:16, 17; Mga Taga- Efeso 6:12). Si Cristo, sa Kanyang nabuhay na mag-uling katawan, ay nagpahayag na Siya ay totoong "laman at buto" (Lukas 24:39). At ayon sa Filipos 3:21, magkakaroon tayo ng mga katawang tulad Niya.


3. Si apostol Pedro ba ang namamahala sa mga pintuang-bayan ng banal na lunsod?


Hindi. Sinasabi ng Biblia sa Apocalipsis 21:12 na ang bagong Jerusalem — ang banal na lunsod ng Dios — ay mayroong 12 mga pintuang-bayan, at sa mga pintuang-daan ay may 12 na mga anghel. Hindi binanggit sa Biblia ang alinman sa mga apostol bilang tagapagbantay ng mga pintuan.


4. Tunay bang malawak ang banal na lunsod upang maging tahanan ng lahat ng mga naligtas na tao sa lahat ng panahon?


Kung ang bawat naligtas na tao ay bibigyan ng 100 square feet na espasyo ng lupa, magkakaroon ng puwang para sa 39 bilyong katao sa lunsod, na maraming beses sa kasalukuyang populasyon ng mundo. Maraming mga istatistika angnaniniwala na kung ang lahat ng mga taong nabuhay ay naligtas, magkakaroon ng maraming puwang para sa kanila sa banal na lunsod. Nilinaw ng banal na kasulatan, gayunpaman, na hindi lahat ay maliligtas (Mateo 7:14). Sa gayon, magkakaroon ng higit sa sapat na silid sa dakilang lunsod.

5. Minsan iniisip ko kung sulit ang sakripisyo. Mukhang may mga pagkakataon na dinadaig ako ni Satanas. Nag-aalok ba ang Biblia ng anumang pampatibay-loob?


Oo! Tiyak na iniisip ka ni apostol Pablo nang sumulat siya, "Ang pagtitiis sa panahong kasalukuyan ay hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin ”(Roma 8:18). Ang isang sulyap lamang sa iyong makalangit na Ama na naghihintay sa iyo sa walang hanggang kaharian na iyon ay magdudulot ng mga pinakamasakit na pagsubok at tukso sa mundo na mawalan ng kabuluhan!


6. Ang mga sanggol bang namatay ay maliligtas sa kaharian ng Diyos?
 

Wala kaming tiyak na sagot sa Biblia sa katanungang ito, ngunit marami ang naniniwala na ang mga sanggol ay maliligtas batay sa Mateo 2: 16–18, kung saan sinasabi sa Biblia na pinapatay ni Haring Herodes ang mga maliliit na bata sa Bethlehem. Inihula ng Lumang Tipan ang malagim na pangyayaring ito, ngunit sinabi ng Dios sa mga ina na ihinto ang kanilang pag-iyak dahil ang kanilang mga anak ay maibabalik sa kanila balang araw. "Itigil mo ang iyong tinig sa pag-iyak. … Ang iyong mga anak ay babalik sa kanilang sariling lupain ”(Jeremias 31:16, 17).


7. Nauunawaan ko ba nang tama na ang tahanan ng mga naligtas ay dito sa lupa?


Oo! Bagaman ang banal na lungsod ay nasa lugar kung nananahan ang Dios, ililipat Niya ito sa mundong ito. Ang banal na lunsod ay magiging kabisera ng bagong lupa, at ilalagay dito ng Dios ang Kanyang trono (Apocalipsis 21:2, 3; 22:1, 3) at maninirahan kasama ng mga naligtas sa mundo magpakailanman. At kung saan mananatili ang Panginoon, iyon ang langit. Ang plano ng Diyos ay ibalik sa atin kung ano ang nawala kay Adan: ang mga kaluwalhatian ng isang perpektong buhay sa isang perpektong planeta. Sinira ni Satanas at ng kasalanan ang plano ng Dios, ngunit ang plano ay isasagawa. Maaari tayong lahat na makibahagi sa bagong kaharian na ito — ito ay labis para palampasin! (Tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 12 para sa
karagdagang impormasyon.)


8. Bakit napakaraming naniniwala na ang tahanan ng mga naligtas ay isang maulap na lugar na may mala-multo na mga naninirahan na lumulutang sa mga ulap at walang ginawa kundi tumugtog ng mga alpa?
 

Ang katuruang ito ay nagmula sa diablo, ang ama ng mga kasinungalingan (Juan 8:44). Sabik siya na baluktutin ang maibiging plano ng Dios at ilarawan ang langit bilang isang hindi totoo, "nakakatakot" na lugar upang ang mga tao ay mawalan ng interes o mag-alinlangan sa kabuuan ng Salita ng Diyos. Alam ni Satanas na kapag ang mga kalalakihan at kababaihan ay lubos na naintindihan ang katotohanan sa Biblia hinggil sa tahanan ng mga naligtas, ang kanyang kapangyarihan sa kanila ay nasira, sapagkat magsisimulang magplano silang pumasok sa kahariang iyon. Ito ang dahilan kung bakit siya ay gumagawa ng husto upang lituhin ang isyu at maikalat ang kasinungalingan patungkol sa ating makalangit na tahanan.

next lesson

Do you have bible questions? Join our online bible studies. 

0585082852

  • White Facebook Icon

Find us on Facebook

  • YouTube

visit us on Youtube

bottom of page