top of page

Kadalisayan at Kapangyarihan

SG-09-new-cover.jpg

Leksyon 9

Sawa ka na bang saktan ang mga mahal mo sa buhay? Ikaw ba ay nabubuhay sa iyong mga pagkakamali sa nakaraan na patuloy mong pinagsisisihan? Ninais mo ba na ikaw ay mahugasan sa loob at labas? Kung gayon ay mayroon kaming magandang balita — posible ito sa'yo! Ang Dios ay may isang plano na maaaring ganap na hugasan ang lahat ng iyong mga kasalanan at itaas ang iyong likas. Kalokohan? Hindi! Sinasabi ng Biblia, "Kaya't tayo ay inilibing na kasama Niya [Cristo] sa pamamagitan ng bautismo" (Roma 6:4). Kapag tinanggap mo si Cristo, mamamatay ang iyong dating buhay at nangako ang Panginoon na kalilimutan ang lahat ng iyong mga kasalanan! Hindi lamang iyon, matutulungan ka Niya na mapagtagumpayan ang bawat kasalanang nakasanayan. Alam mo bang habang ang krus ay nabanggit nang 28 beses sa Biblia, ang bautismo ay nabanggit ng 97 beses? Ito ay sadyang mahalaga — at hindi kataka-taka, na ito'y nangangahulugan ng isang bagong buhay na inililibing at nililimot ang mga nakaliligalig at makasalanang nakaraan. Basahin ang kamangha-manghang mga katotohanan sa Biblia!

1. Kailangan ba talaga ang bautismo?

"Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; ngunit ang hindi sumasampalataya ay parurusahan" (Marcos 16:16).
 

Sagot: Oo! Ito ay sinabi ng may kalinawan.
 

sg9-q1-Bible.jpg

2. Ngunit ang magnanakaw na ipinako sa krus ay hindi nabautismuhan, kaya bakit dapat tayo?

"Sapagkat ang ating kalagayan ay Kanyang nalalaman, naaalala Niya na tayo'y alabok" (Mga Awit 103:14)
 

Sagot: Hindi rin naibalik ng magnanakaw sa krus ang ninakaw niya, tulad ng paggiya ng Panginoon sa Kanyang bayan sa Ezekiel 33:15. Pananagutin tayo ng Dios para sa mga bagay na kaya nating gawin, ngunit kinikilala rin Niya ang mga limitasyon ng "alikabok." Hindi Siya mangangailangan ng isang imposibleng bagay. Kung maaari lang bumaba ang magnanakaw mula sa krus, siya ay nabinyagan. Ang bawat tao na may kakayahan ay dapat magpabinyag.

3. Maraming mga ordenansa na tinatawag na "bautismo." Hindi ba alinman sa mga ito ay katanggap- tanggap, sa kondisyon na ang isang tao ay taos-pusong gagawin ito?

"Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo" (Efeso 4:5).
 

Sagot: Hindi. Mayroon lamang isang tunay na bautismo. Lahat ng iba pang tinatawag na bautismo ay huwad. Ang salitang "bautismo" ay nagmula sa salitang Griyego na "baptisma." Ito ay nangangahulugang "ilublob sa ilalim o ilubog o paglulubog." Mayroong walong salitang Griyego sa Bagong Tipan na ginamit upang ilarawan ang paglalapat ng mga likido. Ngunit sa iba't ibang mga salitang ito — nangangahulugang pagwiwisik, pagbuhos, o paglubog — ang tanging nangangahulugang “paglulubog” (baptizo) ang ginagamit upang ilarawan ang pagbibinyag.
 

Note: Ang plano ng diablo para sa pagbautismo ay nagsasabi, "Pumili ka. Hindi mahalaga ang pamamaraan ng pagbibinyag. Ang espiritu ang mahalaga. " Ngunit sinasabi ng Biblia, "Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo." Sinasabi din dito, "Sundin mo ngayon ang tinig ng Panginoon tungkol sa aking sinasabi sa iyo" (Jeremias 38:20).

4. Paano nabautismuhan si Jesus?

sg9-q4-Jesus-Baptism (1).jpg

"Si Jesus ...ay binautismuhan ni Juan sa Jordan. Pagkaahon niya sa tubig ..." (Marcos 1:9, 10).

Sagot: Si Jesus ay nabautismuha sa pamamagitan ng paglulubog. Pansinin na pagkatapos ng ordenansa, Siya ay "umahon mula sa tubig." Si Jesus ay nabautismuhan "sa Jordan," hindi sa pampang, tulad ng paniniwala ng marami.

Si Juan Bautista ay laging nakakahanap ng isang lugar upang magbinyag kungsaan "maraming tubig" (Juan 3:23), kaya't sapat ang lalim nito. Sinasabi ngBiblia na tinawag tayo upang sundin ang halimbawa ni Jesus (1 Pedro 2:21).

5. Ngunit hindi ba binago ng mga lider ng unang iglesia ang pamamaraan ng pagbabautismo?

"Lumusong si Felipe at ang eunuko sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe. Nang umahon sila sa tubig, inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe" (Gawa 8:38, 39).

sg9-q5-ethiopian-baptism.jpg

Sagot: Hindi. Mangyaring pansinin na si Felipe, isang lider sa unang simbahang Kristiyano, ay nagbinyag sa taga ingatyaman ng Ethiopia sa pamamagitan ng paglulubog nang eksakto tulad ng pagbinyag ni Juan Bautista kay Jesus. Walang sinuman, anuman ang kanyang posisyon sa simbahan, ang may pahintulot na baguhin ang direktang utos ng Dios.

6. Dahil si Jesus at ang mga alagad ay nabautismuhan sa pamamagitan ng paglulubog, sino ang nagpakilala ng iba pang tinatawag na "bautismo" na mayroon tayo ngayon?

sg9-q6-Changed-with-pen.jpg

"At walang kabuluhan ang pagsamba Nila sa akin, na itinuturo nila bilang mga aral ang mga alituntunin ng mga tao" (Mateo 15:9).
 

Sagot: Ang mga nalinlang na tao ay nagpakilala ng iba pang mga anyo ng bautismo na direktang pagsalungat sa Salita ng Dios. Sinabi ni Jesus, "Bakit lumalabag naman kayo sa utos ng Dios dahil sa inyong tradisyon? … Kaya, pinawalang-saysay ninyo ang salita ng Dios dahil sa inyong tradisyon”(Mateo 15: 3, 6). Ang pagsamba na sumusunod sa turo ng tao ay walang kabuluhan. Isipin mo nalang! Pinalitan ng mga tao ang sagradong ordenansa ng pagbibinyag sa pagtatangkang gawin itong maliit na bagay. Hindi kataka-taka na hinihimok tayo ng Biblia na "ipaglaban ang pananampalataya na minsanang ibinigay sa mga banal" (Judas 1: 3).

7. Ano ang dapat gawin ng isang tao upang maghanda para sa bautismo?

Sagot: 

A. Alamin ang mga hinihiling ng Dios "Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila ...at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo"

(Mateo 28:19, 20).
 

B. Manampalataya sa katotohanan ng Salita ng Dios. "Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas" (Marcos 16:16).

Mga Talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001.
 

C. Magsisi at talikuran ang iyong mga kasalanan at maranasan ang
pagbabago.
"Magsisi kayo, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang mapatawad ang inyong mga kasalanan"

(Gawa 2:38).
"Kaya nga magsisi kayo at magbalik-loob upang mapawi ang inyong mga kasalanan" (Gawa 3:19).

sg9-q7-repentance.jpg

8. Ano ang kahulugan ng bautismo?

sg9-q8-death-burial-resurrection.jpg

"Kaya't tayo ay inilibing na kasama Niya sa pamamagitan ng bautismo tungo sa kamatayan; na kung paanong si Cristo ay muling nabuhay mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, gayundin naman tayo'y makakalakad sa panibagong buhay. Sapagkat kung tayo'y naging kasama Niya na katulad ng kanyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo sa Kanyang muling pagkabuhay. Nalalaman natin na ang ating dating pagkatao ay kasama Niyang ipinako sa krus, upang ang katawang makasalanan ay mawalan ng bisa, at upang tayo'y hindi na magpaalipin pa sa kasalanan" (Roma 6:4–6).

Sagot: Ang bautismo ay kumakatawan sa mananampalataya na nakikipag-isa kay Cristo sa Kanyang kamatayan, libing, at muling pagkabuhay. Ang simbolismong ito ay puno ng malalim na kahulugan. Sa bautismo ang mga mata ay nakapikit at ang hininga ay napigil tulad ng sa kamatayan. Pagkatapos a 
nangyari ang libing sa tubig at muling pagkabuhay mula sa libingang tubig tungo sa isang bagong buhay kay Cristo. Kapag iniahon mula sa tubig, ang mga mata ay mabubukas at ang mananampalataya ay magsimulang huminga muli at makihalubilo sa mga kaibigan - isang pagkakahawig ng muling pagkabuhay.
Ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng Kristiyanismo at iba pang relihiyon ay ang kamatayan, libing, at muling pagkabuhay ni Cristo. Sa tatlong mga gawain na ito ay ginawang posible ang lahat ng nais ng Diyos na gawin para sa atin. Upang mapanatili buhay ang tatlong mahahalagang gawa na ito sa isipan ng mga Kristiyano hanggang sa katapusan ng panahon, itinatag ng Panginoon ang bautismo sa pamamagitan ng paglulubog bilang isang alaala. Walang simbolo ng kamatayan, libing, at pagkabuhay sa ibang mga paraan ng bautismo. Ang paglulubog lamang ang tumutupad sa kahulugan ng Roma 6: 4–6.

Mga Talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001.

9. Ngunit ang isang tao ay hindi dapat mabinyagan hanggang sa matiyak niyang hindi na siya muling magkakamali at magkakasala, tama ba?

"Mga munti kong anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo, upang kayo'y huwag magkasala. Ngunit kung ang sinuman ay magkasala, tayo ay may Tagapagtanggol sa harap ng Ama, si Jesu Cristo na siyang matuwid" (1 Juan 2:1).

sg9-q9-baby-running.jpg

Sagot: Ito ay tulad ng pagsasabi sa isang sanggol na hindi dapat subukang maglakad hanggang sa tiyak na hindi siya madudulas at mahuhulog. Ang isang Kristiyano ay isang bagong panganak na "sanggol" kay Cristo. Ito ang dahilan kung bakit ang karanasan sa pagbabago ay tinawag na "muling ipinanganak." Ang makasalanang nakaraan ng isang tao ay pinatawad at kinalimutan ng Dios sa oras ng pagbabalik loob. At ang bautismo ay sumasagisag sa paglilibing ng mga pagnanasa ng dating buhay na iyon. Sinimulan natin ang buhay Kristiyano bilang mga sanggol, kaysa sa mga may sapat na gulang, at hinahatulan tayo ng Dios sa ating pag-uugali at takbo ng ating buhay, sa halip na sa ilang mga pagkakamali at pagbagsak na maaari nating maranasan bilang mga hindi pa gaanong matuwid na mga Kristiyano.

sg9-q10-man-at-cross.jpg

10. Bakit isang napaka agarang bagay ang bautismo para sa isang
nabagong makasalanan?

"At ngayon, ano pang hinihintay mo? Tumindig ka at magpabautismo, at
hugasan ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa Kanyang pangalan" (Gawa 22:16).

Sagot: Ang bautismo ay isang patotoo sa publiko na ang isang nagsisising makasalanan ay pinatawad at nalinis ni Jesus (1 Juan 1:9) at ang kanyang makasalanang nakaraan ay lumipas na. Walang iiral na katibayang nagpaparatang laban sa isang tao pagkatapos ng konbersyon. Ang mga kalalakihan at kababaihan ngayon ay nakikipagpunyagi sa ilalim ng mabibigat na hamon ng kasalanan at pagkakasala, at ang paglaganap na ito at pasanin ay nakasisira sa pagkatao, na ang mga tao ay gagawin ang anumang bagay upang makamit ang diwa ng pagpaptawad at paglilinis. Ngunit ang totoong tulong ay matatagpuan lamang sa paglapit kay Cristo, na nagsasabi sa lahat nang lumalapit sa Kanya, “Ibig Ko. Maging malinis ka”(Mateo 8:3). Hindi lamang Siya naglilinis, ngunit nagsisimula rin siyang ipako sa krus ang dating likas ng kasalanan sa loob mo. Ang bautismo ay napakahalaga dahil ito ang ating pagtanggap sa publiko ng kamangha-manghang paglalaan ni Jesus para sa atin! Mga Talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001.

Sa pagbabalik-loob, ang Dios ay:

1. Pinatatawad at kinakalimutan ang ating nakaraan.
2. Mapaghimalang bumabago sa atin tungo sa bagong taong espiritwal.
3. Tinanggap tayo bilang Kanyang sariling mga anak na lalaki at babae.

Tiyak na walang nabagong tao ang gugustuhin na antalahin ang bautismo, na pinarangalan si Jesus sa nakararami sa paggawa ng lahat ng mga himalang ito.

11. Gaano katagal na panahon ang kailangan para maghanda para sa bautismo?

Sagot: Depende yan sa tao. Ang ilan ay mas mabilis na nakakaintindi ng mga bagay kaysa sa iba. Ngunit sa karamihan ng mga pagkakataon, ang paghahanda ay maaaring gawin sa maikling panahon. Narito ang ilang mga halimbawa sa Biblia:
 

A. Pinunong Taga-Etiopia (Gawa 8:26–39) nabautismuhan sa parehong araw na nalaman niya ang katotohanan.
 

B. Bantay sa Bilangguan at ang kanyang pamilya (Gawa 16:23–34) nabautismuhan sa parehong gabi na nalaman nila ang katotohanan
 

C. Saulo ng Tarsus (Gawa 9:1–18) ay nabautismuhan tatlong araw matapos siyang kausapin ni Jesus sa daan sa Damasco.
 

D. Cornelio (Gawa 10:1–48) nabautismuhan sa parehong araw na narinig niya ang katotohanan.

sg9-q12-baptism.jpg

12. Ano ang nararamdaman ng Dios ukol sa bautismo ng isang taong nabago?

Sagot: Sinabi Niya sa bautismo ng Kanyang Anak, "Ito ang minamahal kong Anak, sa kanya ako lubos na nalulugod" (Mateo 3:17). Ang mga nagmamahal sa Panginoon ay palaging magsisikap na paluguran Siya (1 Juan 3:22; 1 Tesalonica 4: 1). Mayroong kagalakan sa langit sa isang tunay na napagbagon kaluluwa!

Mga Talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001.

13. Maaari bang maranasan ng isang tao ang tunay na bautismo nang hindi nagiging miyembro ng iglesia ng Dios?

Sagot: Hindi. Malinaw na binabanggit ito ng Dios.
 

A. Ang lahat ay tinawag sa isang katawan. "Tinawag din naman kayo sa isang katawan" (Colosas 3:15).
 

B. Ang Iglesia ay ang katawan. "Siya ang ulo ng katawan, ang iglesia" (Colosas 1:18).

sg9-q13-church.jpg

C. Tayo ay nagiging bahagi ng katawang iyon sa pamamagitan ng bautismo.

"Sa pamamagitan ng isang Espiritu ay binautismuhan tayong lahat tungo sa isang katawan" (1 Corinto 12:13).
 

D. Ang mga taong nabago ng Dios ay idinaragdag sa Iglesia.

"At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas" (Gawa 2:47).

sg9-q15-group-baptism.jpg

14. Pansinin ang apat na bagay na hindi ginagawa ng Bautismo:

Una
Ang mismong bautismo ay hindi nagbabago ng puso; ito ay isang simbolo ng isang pagbabagong naganap. Ang isang tao ay maaaring mabautismuhan nang walang pananampalataya, walang pagsisisi, at walang bagong puso. Maaari pa
siyang malubog na gaya ng halimbawa ni Jesus, ngunit aahon

lamang siya na isang 'basang makasalanan' sa halip na matuyo siya - wala pa ring pananampalataya, walang pagsisisi, walang bagong puso. Ang bautismo ayhindi maaaring gumawa ng isang bagong tao. Hindi rin nito mababago omabubuhay muli ang sinuman. Ito ang nagbabagong kapangyarihan ng Banal naEspiritu na nagbabago sa puso. Ang isang tao ay dapat na ipanganak ngEspiritu, pati na rin ng tubig (Juan 3: 5).

Ikalawa

Ang bautismo ay hindi kinakailangang magpaginhawa ng isang tao. Hindi nito kinakailangang baguhin ang ating damdamin. Ang ilang mga tao ay bigo dahil hindi nagbago ang kanilang pakiramdam pagkatapos ng bautismo. Ang kaligtasan ay isang bagay na hindi sa emosyon, ngunit ng pananampalataya at pagsunod.
 

Ikatlo
Ang bautismo ay hindi nag aalis ng mga tukso. Ang demonyo ay hindi natatapos sa isang tao kapag siya ay nabautismuhan. Subalit, hindi rin si Jesus, na nangako, "Hindi kita iiwan, o pababayaan man" (Hebreo 13:5). Walang tukso ang darating na hindi makakaya. Ito ang pangako ng Banal na Kasulatan (1 Corinto 10:13).

 

Ika apat
Ang bautismo ay hindi isang mahiwagang ritwal na ginagarantiyahan ang kaligtasan. Ang kaligtasan ay darating lamang bilang isang libreng regalo mula kay JesuCristo kapag ang isang tao ay nakakaranas ng bagong pagsilang. Ang bautismo ay simbolo ng tunay na pagbabalik-loob, at maliban kung ang pagbabago ay mauuna sa bautismo, ang seremonya ay walang kahulugan.

15. Hinihiling sa iyo ni Jesus na magpabautismo bilang isang simbolo na ang iyong mga kasalanan ay nahugasan na. Nais mo bang magplano para sa sagradong ordenansang ito sa lalong madaling panahon?

Sagot: 

Palaisipang katanungan
 

1. Naaayon ba na mabautismuhan ng higit pa sa isang beses?
Oo. Ipinapakita sa Gawa 19:1–5 na sinasang ayunan ng Biblia ang muling pagbibinyag sa ilang mga pagkakataon.

 

2. Dapat bang mabautismuhan ang mga sanggol?
Walang dapat mabinyagan maliban kung siya ay (1) alam ang katotohanan ng Dios, (2) naniniwala dito, (3) nagsisi, at (4) ay nakaranas ng pagbabago. Walang sanggol na posibleng kwalipikado dito. Walang sinumang may karapatang magbinyag ng isang sanggol. Ang gawin ito ay tahasang hindi pagsunod ng direktang mga utos ng Dios patungkol sa bautismo. Ang mga nalinlang na kalalakihan sa simbahan mga taon na ang nakalilipas ay nagpasya na ang mga hindi nabinyagan na mga sanggol ay nawala, ngunit ito ay hindi totoo sa biblia. Pinapahamak nito ang Dios bilang isang hindi makatarungan at malupit na Hari na sisira sa mga inosenteng sanggol dahil lamang sa kadahilanang ang kanilang mga magulang ay hindi sila ipinabautismo. Nakakalungkot ang nasabing katuruan Mga Talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001.

3. Hindi ba't ang bautismo ay isang bagay na ayon sa personal na opinyon?
Oo — ngunit hindi ang iyong opinyon o ang akin. Ang opinyon ni Cristo ang mahalaga. Sinabi ni Cristo na ang bautismo ay mahalaga sa Kanya. "Malibang ang isang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Dios" (Juan 3:5). Ang pagtanggi sa bautismo ay pagtanggi sa direktang payo ng Dios (Lucas 7:29, 30).

 

4. Ilang taon dapat ang isang tao upang maging karapat-dapat sa bautismo?
May sapat na gulang upang maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng tama at mali at gumawa ng isang matalinong desisyon na sumuko kay Cristo at sundin Siya. Maraming mga bata ang handa na para sa bautismo sa 10 o 11 taong gulang, ang ilan ay 8 o 9. At ang ilan ay hindi handa sa 12 o 13. Walang antas ng edad na tinukoy sa Biblia. Ang mga bata ay may magkakaibang antas ng karanasan at pag-unawa. Ang ilan ay handa nang binyagan nang mas maaga kaysa sa iba.

 

5. Maaari ka bang iligtas ng bautismo mismo?
Hindi. Ngunit ang pagtanggi sa bautismo ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng isang tao, sapagkat nangangahulugan ito ng pagsuway. Ang kaligtasan ay para sa "lahat na sumusunod sa Kanya"

(Hebreo 5: 9).
 

6. Hindi ba't ang bautismo lamang ng Banal na Espiritu ang ating kailangan?
Hindi. Ipinapakita ng Biblia sa Gawa 10:44–48 na kinakailangan ang bautismo sa tubig, kahit na naunahan ito ng bautismo ng Banal na Espiritu

 

7. Hindi ba dapat tayo'y mabinyagan sa pangalan lamang ni Jesus?
Sa Mateo 28:19, sinabi sa atin na magpabautismo sa pangalan ng Ama, Anak, at Banal na Espiritu. Ito ang mga sagradong salita ni Jesus. Sa aklat ng Mga Gawa, nakita natin ang mga bagong mananampalataya ay nabinyagan sa pangalan ni Jesus. Ang pagkilala kay Jesus bilang Mesiyas ay isang partikular na mahalagang hakbang para sa mga tao sa panahong iyon; samakatuwid, ito ay tiniyak para sa kanila upang mabinyagan sa Kanyang pangalan. Naniniwala tayo na ito ay mahalaga rin naman ngayon. Pinagsasamaang mga patotoo ni Mateo sa aklat ng Mga Gawa, binabautismuhan natin ang mga tao sa pangalan ng Ama, ng Anak (Jesus), at ng Banal na Espiritu. Ang pagsunod sa pamamaraang ito ay pumipigil sa pagtataas ng isang Kasulatan sa isa pa.

 

8. Mayroong isang kasalanan na hirap akong talikuran. Dapat ba akong magpabautismo?
Minsan nakikipagpunyagi tayo sa isang partikular na kasalanan at pakiramdam na hindi natin ito malalampasan. Huwag mawalan ng pag-asa! Nais ng Dios na "itabi natin ang bawat pabigat at ang pagkakasalang madaling bumibitag sa atin, at tumakbo tayong may pagtitiis sa takbuhing inilagay sa harapan natin" (Hebreo 12:1). Papananagumpayin ka ng Dios sa anumang kasalanan! Ngunit hindi ka magging handa na ilubog sa tubig ng pagbibinyag maliban kung isusuko mo iyon, sapagkat ang dating buhay ng kasalanan ay hindi patay. Sa kamatayan lamang natin sa ating sarili mabubuhay tayo para kay Cristo.

 

9. Maaari mo bang ipaliwanag ang Galacia 3:27?
Dito ay inihambing ng Dios ang bautismo sa kasal. Ang taong nabinyagan sa publiko ay kinikilala na kinuha niya - isinuot - ang pangalan ni Cristo (Kristiyano), tulad ng maraming mga babaeng ikakasal na publikong inihayag ang pagkuha ng pangalan ng kanilang asawa sa oras ng kasal. Sa bautismo, gaya ng sa pag aasawa, maraming mga prinsipyo ang nalalapat:
 

A. Hindi ito dapat pasukin maliban kung ang tunay na pagmamahal ang naghahari.
 

B. Hindi ito dapat pasukin maliban kung ang kandidato ay nagnanais na maging tapat sa hirap at ginhawa.
 

C. Dapat itong gawin nang may buong pagkaunawa.
 

D. Hindi ito dapat napaaga o hindi masyadong naantala.

Mga Talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001

Watch sermon video of Pastor Doug Batchelor

Do you have bible questions?Join our online Bible study or contact us through

0585082852

  • White Facebook Icon

Find us on Facebook

  • YouTube

visit us on Youtube

bottom of page