Legalismo Ba Ang Pagsunod?
Lesson 14
Madalas na iniisip ng mga tao na okay lang na lumabag sa isang maliit na batas sa trapiko o dalawa o marahil na mandaya ng "kaunti" sa kanilang mga buwis, ngunit iba gumawa ang Dios at ang Kanyang kautusan. Nakikita ng Dios ang lahat ng ating ginagawa, naririnig ang lahat ng sinasabi natin, at talagang nagmamalasakit Siya sa kung paano natin pinakitutunguhan ang Kanyang kautusan. Habang nag-aalok ang Panginoon ng kapatawaran para sa ating mga kasalanan, hindi nangangahulugang walang kahihinatnan ang mga paglabag sa utos ng Dios. Kataka taka na ang ilang mga Kristiyano ay nagsasabi na ang anumang pagtatangkang sundin ang kautusan ng Dios ay ayon sa legalismo. Ngunit sinabi ni Jesus kung talagang mahal mo ang Dios, gagawin mo ang ipinag uutos Niya. Kaya, legalismo ba talaga ang pagsunod? Maglaan ng oras upang basahin nang mabuti ang Gabay sa Pag-aaral na ito. Walang hanggang
kahihinatnan ang nakataya!
1. Talaga bang nakikita ka at binibigyang pansin ng Dios?
"Ikaw ay Dios na nakakakita" (Genesis 16:13).
"O Panginoon, siniyasat Mo ako at nakilala Mo ako. Iyong nalalaman kapag ako'y umuupo at kapag ako'y tumatayo; nababatid Mo ang aking pag-iisip mula sa malayo. ...ang lahat kong mga lakad ay nalalaman Mo. Bago pa man magkaroon ng salita sa dila ko, O Panginoon, lahat ng iyon ay alam Mo"
(Mga Awit 139:1–4).
"Maging ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang na lahat" (Lucas 12:7).
Sagot: Oo. Mas kilala ka ng Diyos at ang bawat tao sa mundo kaysa kilala natin ang ating mga sarili. Interesado Siya sa bawat tao at tinitignan ang lahat ng ating ginagawa. Walang isang salita, kaisipan, o gawa na nakatago sa Kanya.
2. Maaari bang maligtas ang sinuman sa Kanyang kaharian nang hindi sinusunod ang Kanyang Salita?
"Hindi lahat ng nagsasabi sa akin ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21).
"Kung ibig mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga utos" (Mateo 19:17). Ang mga talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001.
"Siya ang naging pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng mga sumusunod sa Kanya" (Hebreo 5:9).
Sagot: Hindi. Malinaw na malinaw dito ang banal na kasulatan. Ang kaligtasan at ang kaharian ng langit ay para sa mga sumusunod sa mga utos ng Panginoon. Hindi nangangako ang Dios ng buhay na walang hanggan sa mga nagpapahayag lamang ng pananampalataya o mga miyembro ng simbahan o nabinyagan, ngunit sa mga gumagawa ng Kaniyang kalooban, na isiniwalat sa Banal na Kasulatan. Siyempre, ang pagsunod na ito ay posible lamang sa pamamagitan ni Cristo (Gawa 4:12).
3. Bakit hinihiling ng Dios ang pagsunod? Bakit ito kinakailangan?
"Sapagkat makipot ang pintuan at masikip ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon" (Mateo 7:14).
"Ngunit siyang nagkakasala laban sa akin ay sarili niya ang sinasaktan; lahat ng namumuhi sa akin ay umiibig sa kamatayan" (Kawikaan 8:36).
"At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga tuntuning ito, na matakot sa Panginoon nating Dios, sa ikabubuti natin magpakailanman, upang ingatan Niya tayong buháy, gaya sa araw na ito" (Deutronomio 6:24).
Sagot: Dahil isang daan lamang ang humahantong sa kaharian ng Dios. Ang lahat ng mga daan ay hindi humahantong sa parehong lugar. Ang Biblia ay ang mapa - isang gabay na aklat na may mga tagubilin, babala, at impormasyon tungkol sa kung paano ligtas na maabot ang kaharian na iyon. Ang hindi pansinin sa alinman dito ang magpapalayo sa atin sa Dios at sa Kanyang kaharian. Ang sansinukob ng Dios ay nasa kautusan at kaayusan— kasama na ang natural, moral, at espirituwal. Ang paglabag sa anuman sa mga kautusan na ito ay may permanenteng kahihinatnan. Kung ang Biblia ay hindi naibigay, ang mga tao ay maaring maya maya lang ay malalaman, sa pamamagitan ng pagsusubok at pgkakamali, na ang mga dakilang prinsipyo ng Biblia ay umiiral at totoo. Na kapag binalewala ay nagreresulta sa sakit, paghihirap, at kalungkutan ng bawat uri. Sa gayon, ang mga salita ng Biblia ay hindi lamang payo na maaari nating tanggapin o balewalain nang walang kahihinatnan. Sinasabi rin ng Biblia kung ano ang mga kahihinatnan na ito at ipinapaliwanag kung paano ito maiiwasan. Ang isang tao ay hindi mabubuhay sa anumang paraan na nais niya at maging tulad pa rin ni Cristo — tulad sa isang tagagawa na maaaring balewalain ang mga blueprint para sa isang bahay nang hindi nagkakaroon ng problema. Ito ang dahilan kung bakit nais ng Dios na sundin mo ang blueprint ng Banal na Kasulatan. Walang ibang paraan upang maging katulad Niya at, sa gayon, maging angkop para sa isang lugar sa Kanyang kaharian. Walang ibang paraan patungo sa totoong kaligayahan.
4. Bakit pinapayagan ng Dios na magpatuloy ang paglabag? Bakit hindi na lang sirain ang kasalanan at mga makasalanan ngayon?
"Narito, dumating ang Panginoon na kasama ang kanyang laksa-laksang mga banal, upang igawad ang hatol sa lahat at upang sumbatan ang bawat kaluluwa sa lahat ng kanilang masamang gawa na kanilang ginawang may kalikuan, at sa lahat ng mga bagay na malupit na sinalita sa Kanya ng mga hindi maka-Diyos na makasalanan" (Judas 1:14, 15).
"Kung paanong buhay Ako, sabi ng Panginoon, ang bawat tuhod ay luluhod sa Akin, at ang bawat dila ay magpupuri sa Dios" (Roma 14:11).
Sagot: Hindi sisirain ng Dios ang kasalanan hanggang sa ang bawat isa ay ganap na makumbinsi sa Kanyang katarungan, pagmamahal, at awa. Sa wakas ay mapagtanto ng lahat na ang Dios, sa pamamagitan ng paghingi ng pagsunod, ay hindi sinusubukang ipilit ang Kanyang kalooban sa atin, ngunit sinusubukan na pigilan tayo mula sa pananakit at pagsira sa ating sarili. Ang problema ng kasalanan ay hindi maaayos hanggang sa kahit na ang pinaka mapang uyam, matigas na puso na mga makasalanan ay kumbinsido sa pag-ibig ng Dios at ipahayag na Siya ay makatarungan. Marahil isang malaking sakuna ang kailangan upang makumbinsi ang ilan, ngunit ang kakila-kilabot na mga resulta ng makasalanang pamumuhay ay sa wakas ay makukumbinsi ang lahat na ang Dios ay patas at tama.
5. Lilipulin ba talaga ang mga hindi sumusunod?
"Hindi pinatawad ng Dios ang mga anghel nang magkasala sila, kundi sila'y ibinulid sa impiyerno, at nilagyan ng mga tanikala ng kadiliman, upang ingatan hanggang sa paghuhukom" (2 Pedro 2:4).
"Lahat ng masama ay lilipulin Niya" (Mga Awit 145:20). Ang mga talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001.
"Nasa nagliliyab na apoy, na magbibigay ng parusa sa mga hindi kumikilala sa Dios at sa mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus" (2 Tesalonica 1:8).
Sagot: Oo. Ang masuwayin, kasama na ang diablo at ang kanyang mga anghel, lahat ay mawawasak. Ito ay totoo, tiyak na oras na upang talikuran ang lahat ng kalituhan tungkol sa kung ano ang tama o mali. Hindi ligtas para sa atin na umasa sa ating sariling mga ideya at damdamin ng tama at mali. Ang ating kaligtasan lamang ay nakasalalay sa Salita ng Dios. (Tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 11 para sa mga detalye sa pagkawasak ng kasalanan at Gabay sa Pag- aaral 8 sa ikalawang pagparito ni Jesus.)
6. Nais mong paluguran ang Dios, ngunit posible bang sundin ang lahat ng Kanyang mga utos?
"Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay makakatagpo". (Mateo 7:7).
"Pagsikapan [pag aralan] mong humarap na subok sa Dios, ...na gumagamit nang wasto sa salita ng katotohanan" (2 Timoteo 2:15).
"Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Dios ay makikilala niya kung ang turo ay mula sa Dios" (Juan 7:17).
"Kayo'y lumakad habang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng dilim" (Juan 12:35).
"Pagkarinig nila sa akin ay sinunod nila ako" (Awit 18:44).
Sagot: Nangangako ang Dios na ilalayo ka mula sa pagkakamali at ligtas kang aakayin sa lahat ng katotohanan kung ikaw ay (1) taimtim na mananalangin para sa patnubay, (2) taos-pusong pag-aaralan ang Salita ng Dios, at (3) susundin ang katotohanan sa sandaling maipakita sa iyo.
7. Itinuturing ba ng Dios na nagkasala ang mga tao dahil sa pagsuway sa katotohanan sa Biblia na hindi pa napaliwanag sa kanila?
"Kung kayo'y mga bulag, hindi kayo magkakaroon ng kasalanan. Subalit ngayong sinasabi ninyo, ‘Kami'y nakakakita,’ nananatili ang inyong kasalanan" (Juan 9:41).
"Kaya't ang sinumang nakakaalam ng paggawa ng mabuti ngunit hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kanya" (Santiago 4:17).
"Ang Aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalaman, itinatakuwil din kita" (Oseas 4:6).
"Humanap kayo, at kayo ay makakatagpo" (Mateo 7:7).
Sagot: Kung wala kang pagkakataong malaman ang isang katotohanan sa Biblia, hindi ka papanagutin ng Dios para dito. Itinuturo ng Biblia na responsable ka sa Dios para sa ilaw (kaalaman sa tama) na mayroon ka. Ngunit huwag maging pabaya sa Kanyang awa! Ang ilan ay tumatanggi o nagpapabaya na mag aral, maghanap, matuto, at makinig at sila ay masisira sapagkat "itinakuwil nila ang kaalaman." Ang kumilos na gaya nito sa mahahalagang bagay na ito ay nakamamatay. Responsibilidad nating maghanap ng masigasig para sa katotohanan.
8. Ngunit hindi naman partikular ang Dios sa detalyadong pagsunod 'di ba?
"Tunay na walang taong lumabas sa Ehipto ...na makakakita ng
lupain ...sapagkat sila'y hindi lubos na sumunod sa Akin ...liban kay Caleb ...at si Josue ...sapagkat sila'y lubos na sumunod sa Panginoon" (Bilang 32:11,12).
"Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Dios" (Mateo 4:4).
"Kayo'y Aking mga kaibigan kung ginagawa ninyo ang mga bagay na Aking iniuutos sa inyo" (Juan 15:14).
Sagot: Sa katunayan — Partikular Siya. Ang bayan ng Dios noong panahon ng Lumang Tipan ay natutunan ito sa mahirap na paraan. Ang mga umalis sa Ehipto patungo sa Lupang Pangako ay maraming tao. Sa pangkat na ito, dalawa lamang, sina Caleb at Josue, ang sumunod ng buo sa Panginoon, at sila lamang ang pumasok sa Canaan. Ang iba naman ay namatay sa ilang. Sinabi ni Jesus na mamuhay tayo sa "bawat salita" ng Biblia. Walang utos na labis o utos na kaunti. Lahat sila ay mahalaga!
9. Kapag ang isang tao ay nakatuklas ng bagong katotohanan, hindi ba dapat siyang maghintay hanggang sa maalis ang lahat ng mga hadlang bago ito tanggapin?
"Kayo'y lumakad habang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng dilim" (Juan 12:35).
"Ako'y nagmamadali at hindi naaantala na sundin ang Iyong mga utos" (Mga Awit 119:60).
"Ngunit hanapin muna ninyo ang Kanyang kaharian at ang Kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo" (Mateo 6:33).
Sagot: Hindi. Kapag malinaw na sa katotohanan sa Biblia, hindi magandang maghintay. Ang pagpapaliban ay isang mapanganib na bitag. Tila hindi mapanganib na maghintay, ngunit itinuturo ng Biblia na maliban kung ang isang tao ay kumilos kaagad sa liwanag, ito ay mabilis na nagiging kadiliman. Ang mga hadlang sa pagsunod ay hindi aalisin habang tayo ay nakatayo at naghihintay; sa halip, karaniwang nagdaragdag sila ng laki. Sinabi ng tao sa Dios, "Buksan mo ang daan, at magpapatuloy ako. Ngunit ang paraan ng Diyos ay kabaligtaran lamang. Sinabi niya, "Sumulong ka, at bubuksan ko ang daan."
10. Ngunit hindi ba imposible sa isang tao ang lubusang makasunod?
"Sa Dios, ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari" (Mateo19:26).
"Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan Niyang
nagpapalakas sa akin" (Filipos 4:13).
"Salamat sa Dios, na Siyang laging nagdadala sa atin sa pagtatagumpay kay Cristo" (2 Corinto 2:14).
"Ang nananatili sa Akin at Ako'y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami. Sapagkat kung kayo'y hiwalay sa Akin ay wala kayong magagawa" (Juan 15:5).
"Kung kayo'y sasang-ayon at magiging masunurin, kayo'y kakain ng mabubuting bagay ng lupain" (Isaias 1:19).
Sagot:Wala sa atin ang makakasunod sa pamamagitan ng ating sariling kakayahan, ngunit sa pamamagitan ni Cristo ay maaari at kailangan tayong sumunod . Upang gawing hindi makatuwiran ang mga kahilingan ng Dios, si satanas ay nag imbento ng kasinungalingan na imposible ang pagsunod.
11. Ano ang mangyayari sa isang tao na sadyang nagpapatuloy sa pagsuway?
"Sapagkat kung sinasadya nating magkasala, matapos nating tanggapin ang
lubos na pagkakilala sa katotohanan, ay wala ng natitira pang alay para sa mga kasalanan, kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway" (Hebreo 10:26, 27).
"Kayo'y lumakad habang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng
dilim. Ang lumalakad sa dilim ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo"
(Juan 12:35).
Sagot: Ang Biblia ay hindi nag-iiwan ng lugar para sa pag-aalinlangan. Ang sagot ay nakakabahala, ngunit totoo. Kapag ang isang tao ay sadyang tinatanggihan ang liwanag at nagpapatuloy sa pagsuway, ang liwanag ay tuluyang mamamatay, at siya ay maiiwan sa ganap na kadiliman. Ang isang tao na tumatanggi sa katotohanan ay tumatanggap ng isang "makapangyarihang pagkalinlang" upang maniwala na ang kasinungalingan ay katotohanan (2 Tesalonica 2:11). Kapag nangyari ito, siya ay mapapahamak.
12. Hindi ba mas mahalaga ang pag-ibig kaysa sa pagsunod?
"Sumagot si Jesus ...Kung ang isang tao ay nagmamahal sa Akin, ay kanyang tutuparin ang Aking salita, ...Ang hindi nagmamahal sa Akin ay hindi tumutupad ng Aking mga salita" (Juan 14:23, 24).
"Sapagkat ito ang pag-ibig sa Dios, na ating tuparin ang Kanyang mga utos at ang Kanyang mga utos ay hindi pabigat" (1 Juan 5:3).
Sagot: Hindi talaga! Itinuturo ng Biblia na ang totoong pag-ibig sa Dios ay hindi posible nang walang pagsunod. Hindi rin maaaring maging isang tunay na masunurin ang isang tao nang walang pag-ibig at pagpapahalaga sa Dios. Walang bata ang ganap na susunod sa kanyang mga magulang maliban kung mahal niya sila, o magpapakita rin siya ng pagmamahal sa kanyang mga magulang kung hindi siya sumunod. Ang tunay na pagmamahal at pagsunod ay tulad ng mga magkakabit na kambal. Kapag pinaghiwalay, sila'y mamamatay.
13. Ngunit hindi ba ang tunay na kalayaan kay Cristo ay magpapalaya sa atin mula sa pagsunod?
"Kung kayo'y mananatili sa Aking salita ...inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. ...ang bawat nagkakasala ay alipin ng kasalanan" (Juan 8:31,32,34).
"Salamat sa Dios, na bagama't kayo'y dating mga alipin ng kasalanan, kayo'y taos-pusong sumunod sa anyo ng aral na doon ay ipinagkatiwala kayo. At pagkatapos na mapalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo sa paggawa ng matuwid" (Roma 6:17, 18).
"Lagi kong susundin ang iyong kautusan, magpakailanpaman. At lalakad ako na may kalayaan; sapagkat aking hinanap ang Iyong mga panuntunan" (Mga Awit 119:44,45).
Sagot: Hindi. Ang tunay na kalayaan ay nangangahulugang kalayaan "mula sa kasalanan" (Roma 6:18), o pagsuway, na lumalabag sa kautusan ng Dios (1 Juan 3:4). Samakatuwid, ang tunay na kalayaan ay nagmumula lamang sa pagsunod. Ang mga mamamayan na sumusunod sa batas ay may kalayaan. Ang mga suwail ay nahuhuli at nawawalan ng kalayaan. Ang kalayaan nang walang pagsunod ay isang maling kalayaan — ito ay humahantong sa pagkalito at anarkiya. Ang tunay na kalayaan ng Kristiyano ay nangangahulugang kalayaan mula sa pagsuway. Ang pagsuway ay palaging makakapanakit ng tao at maghahantong sa pagkaalipin sa diablo.
14. Sa tuwing may isang tiyak na bagay na pinaniniwalaan kong hinihiling ng Dios, dapat ko ba itong sundin kahit na hindi ko nauunawaan kung bakit Niya ito hinihiling?
"Sundin mo ngayon ang tinig ng Panginoon ...Ikaw ay mapapabuti at ang iyong buhay ay maliligtas" (Jeremias 38:20).
"Siyang nagtitiwala sa kanyang sariling puso ay hangal" (Kawikaan 28:26). "Higit na mabuti ang manganlong sa Panginoon kaysa magtiwala sa tao" (Mga Awit 118:8). Ang mga talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001.
"Sapagkat kung paanong ang langit ay higit na mataas kaysa lupa, gayon ang Aking mga pamamaraan ay higit na mataas kaysa inyong mga pamamaraan, at ang Aking mga pag-iisip kaysa inyong mga pag-iisip" (Isaias 55:9).
"Hindi masuri ang mga hatol Niya, at hindi masiyasat ang Kanyang mga daan! Sapagkat sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon?" (Roma 11:33, 34).
"Sa mga landas na hindi nila nalalaman sila ay Aking papatnubayan" (Isaias 42:16).
"Iyong ipinakita sa akin ang landas ng buhay" (Awit 16:11).
Sagot: Panigurado! Dapat nating bigyan ng papuri ang Dios sa kaalamang meron siya upang manghingi ng ilang mga bagay sa atin na maaaring hindi natin maintindihan. Ang mga mabubuting anak ay sumusunod sa kanilang mga magulang kahit na hindi malinaw ang mga dahilan ng kanilang mga utos. Ang simpleng pananampalataya at pagtitiwala sa Dios ay magdudulot sa atin na maniwala na alam Niya kung ano ang pinakamahusay para sa atin at hindi Niya tayo kailanman ihahantong sa maling landas. Kahangalan para sa atin, sa ating kamangmangan, na hindi magtiwala sa pangunguna ng Dios kahit na hindi natin lubos na nauunawaan ang lahat ng Kanyang mga kadahilanan.
15. Sino talaga ang nasa likod ng lahat ng pagsuway, at bakit?
"Ang patuloy na gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagkat buhat pa nang pasimula ay nagkakasala na ang diablo. ...Sa ganito nahahayag ang mga anak ng Dios at ang mga anak ng diablo: ang sinumang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios" (1 Juan 3:8, 10).
"Ang Satanas, ang mandaraya sa buong sanlibutan" (Apocalipsis 12:9).
Sagot: Ang diablo ang may pananagutan. Alam niya na ang lahat ng pagsuway ay kasalanan at ang kasalanan ay nagdudulot ng kalungkutan, trahedya, paghihiwalay mula sa Dios, at tuluyang pagkawasak. Sa kanyang poot, sinusubukan niyang akayin ang bawat tao sa pagsuway. Kasali ka. Dapat mong harapin ang mga
katotohanan at gumawa ng desisyon. Sumuway at magkasala,o tanggapin si Cristo at sumunod at maligtas. Ang iyong pasya tungkol sa pagsunod ay isang pasya tungkol kay Cristo. Hindi mo Siya maaaring ihiwalay sa katotohanan, sapagkat sinabi Niya, "Ako ang ... katotohanan" (Juan 14:6).
"Sa ganang akin at sa aking sambahayan, kami ay maglilingkod sa Panginoon"(Joshua 24:15).
16. Anong maluwalhating himala ang ipinangako ng Biblia para sa mga anak ng Dios?
"Ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa ay siyang magtatapos nito hanggang sa araw ni Jesu-Cristo" (Filipos 1:6).
Sagot: Purihin ang Dios! Ipinangako Niya na tulad ng paggawa Niya ng isang himala upang dalhin sa atin ang bagong pagsilang, magpapatuloy din Siya upang gumawa ng mga kailangang mga himala sa ating buhay (sa masayang pagsunod natin sa Kanya) hanggang sa ligtas tayo sa Kanyang kaharian.
17. Nais mo bang magsimulang sumunod ng buo at may pagmamahal kay Jesus ngayon?
Mga Palaisipang Katanungan:
1. May mga makasalanan bang nag-aakalang sila ay maliligtas?
Oo! Nilinaw ng Mateo 7:21–23 na maraming nanghuhula, nagpapalayas ng mga demonyo, at gumagawa ng iba pang kahanga-hangang mga gawa sa pangalan ni Cristo ay mawawala. Sinabi ni Cristo na nawala sila sapagkat hindi nila ginawa ang "kalooban ng Aking Ama sa langit" (talata 21). Ang mga tumanggi na sundin ang Dios ay hahantong sa paniniwala sa isang kasinungalingan (2 Tesalonica 2:11, 12) at, sa gayon, isiping sila ay naligtas ngunit sila ay nawala.
2. Ano ang mangyayari sa mga matapat na tao na nag-iisip na sila ay tama ngunit sila ay mali?
Sinabi ni Jesus na tatawagin Niya sila sa Kanyang tunay na daan, at ang Kanyang totoong mga tupa ay makikinig at susunod (Juan 10:16, 27)
3. Hindi ba sapat ang katapatan at sigasig?
Hindi! Dapat tama rin tayo. Si apostol Pablo ay tapat at masigasig nang inuusig niya ang mga Kristiyano bago siya magbalik-loob, ngunit nagkamali din siya (Gawa 22:3, 4;26: 9–11).
4. Ano ang mangyayari sa mga taong hindi nakatanggap ng liwanag?
Sinasabi ng Biblia na ang lahat ay nakatanggap ng ilaw. "Siya ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa bawat dumarating sa sanlibutan" (Juan 1:9). Ang bawat tao ay hahatulan alinsunod sa kung paano siya sumusunod sa ilaw meron siya. Kahit na ang mga hindi naniniwala ay may kaunting ilaw at sumusunod sa batas, ayon sa Roma 2:14, 15.
5. Ligtas ba para sa isang tao na humingi muna sa Dios ng isang tanda upang kumpirmahing nais Niya ang pagsunod?
Hindi. Sinabi ni Jesus, "Humahanap ng tanda ang isang masama at mapangalunyang lahi" (Mateo 12:39). Ang mga taong hindi tatanggap ng payak na mga aral ng Biblia ay hindi rin makukumbinsi sa pamamagitan ng isang
tanda. Tulad ng sinabi ni Jesus, "Kung hindi nila pinapakinggan si Moises at ang mga propeta, hindi rin sila mahihikayat, kahit may isang bumangon mula sa mga patay" (Lukas 16:31).
6. Ang Hebreo 10:26, 27 ay tila nagpapahiwatig na kung ang isang tao ay sadyang gumawa ng isang kasalanan lamang matapos niyang malaman ang higit na mabuti, siya ay makasalanan. Tama ba ito?
Hindi. Sinuman ay maaaring magtapat ng gayong kasalanan at patatawarin. Hindi lamang isang gawa ng kasalanan ang tinutukoy ng Biblia dito - ngunit tungkol sa isang mapangahas na pagpapatuloy sa kasalanan at isang pagtanggi na sumuko kay Cristo pagkatapos makaalam ng higit pang katotohanan. Ang nasabing pagkilos ay nagpapalungkot sa Banal na Espiritu (Efeso 4:30) at nagpapatigas sa puso ng isang tao hanggang sa ang isang tao ay "maging manhid" (Efeso 4:19) at mawala. Sinasabi ng Biblia, "Ilayo Mo rin ang iyong lingkod sa mga mapangahas na pagkakasala. Huwag Mong hayaang ang mga iyon ay magkaroon ng kapangyarihan sa akin! Kung gayo'y magiging matuwid ako, at magiging walang sala sa malaking paglabag ”(Awit 19:13).
Ang mga talata ay mula sa ANG BIBLIA, 2001.