Pangwakas na Pagpalaya
Leksyon 8
Hindi ito isang talinhaga! Isang araw, maaari kang maging malaya mula sa lahat ng sakit, gutom, kalungkutan, krimen, at kaguluhan na kumakalat sa mundo ngayon. Hindi ba magandang balita iyon? Ngunit hindi isang kaakit akit na lider ng mundo ang magpapalaya sa iyo-hindi, ang iyong tagapagligtas ay higit na nakahihigit! Malapit nang dumating si Jesus, ngunit maraming mga maling kuru-kuro tungkol sa kung paano Siya babalik. Kaya't maglaan ng ilang minuto upang maunawaan kung ano talaga ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pangalawang pagdating upang hindi ka maiwan!
1. Maaari ba tayong maging positibo na babalik si Jesus sa pangalawang pagkakataon?
"Si Cristo ...ay magpapakita sa ikalawang pagkakataon" (Hebreo 9:28).
"At kung Ako'y pumunta roon at maihanda Ko ang isang lugar para sa inyo, Ako'y babalik" (Juan 14:3).
Sagot: Oo! Sa Mateo 26:64, nagpatotoo si Jesus na Siya ay muling babalik sa lupang ito. Dahil ang Banal na Kasulatan ay hindi maaaring masira (Juan 10:35), ito ay patunay na positibo. Ito ay personal na tiniyak ni Cristo. Bukod dito, natupad ni Jesus ang mga hula ng Kanyang unang pagparito - kaya't maaari nating matiyak na ganap na tutuparin Niya ang mga hula tungkol sa Kanyang pangalawang pagparito!
2. Sa paanong paraan babalik si Jesus sa pangalawang pagkakataon?
"Pagkasabi Niya ng mga bagay na ito, habang sila'y nakatingin, dinala Siya sa itaas at Siya'y ikinubli ng ulap sa kanilang mga paningin. Samantalang nakatitig sila sa langit at Siya'y papalayo, biglang may dalawang lalaki ang tumayo sa tabi nila na may puting damit, na nagsabi, “Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo'y nakatayong tumitingin sa langit? Itong si Jesus, na dinala sa langit mula sa inyo ay darating na gaya rin ng inyong nakitang pagpunta niya sa langit.' " (Gawa 1:9–11).
Sagot: Ipinapangako ng Banal na Kasulatan na si Jesus ay babalik sa lupa sa parehong pamamaraan na umalis Siya- sa isang nakikita, literal, pisikal, personal na pamamaraan. Sinasabi ng Mateo 24:30, "Makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian." Siya ay darating sa mga ulap nang literal, bilang isang personal na nilalang na may katawang laman at buto (Lukas 24:36–43, 50, 51). Makikita ang kanyang pagdating; Malinaw ang banal na kasulatan sa mga katotohanang ito!
3. Ang ikalawang pagparito ba ni Cristo ba ay makikita ng lahat o ng
piling pangkat lamang?
"Tingnan ninyo, Siya'y dumarating na nasa mga ulap; at makikita Siya ng bawat mata" (Apocalipsis 1:7).
"Sapagkat gaya ng kidlat na nanggagaling sa silangan at nagliliwanag hanggang sa kanluran, gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao" (Mateo 24:27).
"Sapagkat ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw, may tinig ng arkanghel, at may trumpeta ng Dios, at ang mga namatay kay Cristo ay babangon muna" (1 Tesalonica 4:16).
Sagot: Ang bawat lalaki, babae, at bata na naninirahan sa mundo ay makikita Siya kapag bumalik si Jesus sa Kanyang pangalawang pagparito. Ang kagilagilalas na ningning ng Kanyang pagdating ay abot tanaw ang lawak, at ang kapaligiran ay palilibutan ng maningning na kaluwalhatian tulad ng kidlat. Walang makakapagtago dito. Ito ay magiging isang malakas at kapanapanabik na kaganapan kung saan kahit ang mga patay ay nabuhay na muli.
Tandaan: Malalaman ng bawat tao na mangyayari ang pangalawang pagparito! Ang ilan ay ginagamit ang 1 Tesalonica 4:16 upang imungkahi ang isang "lihim na pag-agaw," kung saan ang mga naligtas ay mawala nang tahimik mula sa lupa, ngunit ito ay talagang isa sa mga pinakaingay na talata sa Biblia: Ang Panginoon ay sumisigaw, tunog ng trumpeta, at ang mga patay ay nabuhay! Ang pangalawang pagparito ay hindi isang tahimik na kaganapan, ni ito ay isang espirituwal lamang na pumapasok sa puso. Hindi ito nagaganap sa pagkamatay ng isang tao, o ito rin ay matalinghaga. Ang lahat ng mga teoryang ito ay likha ng tao, ngunit malinaw na sinasabi ng Biblia na ang pangalawang pagparito ay isang literal, pang buong mundo, nakikita, personal na pagdating ni Cristo sa mga ulap.
4. Sino ang sasama kay Jesus sa Kanyang ikalawang pagparito, at bakit?
"Kapag dumating na ang Anak ng Tao na nasa Kanyang kaluwalhatian, na kasama Niya ang lahat ng mga anghel, Siya'y uupo sa trono ng kanyang kaluwalhatian" (Mateo 25:31).
Sagot: Ang lahat ng mga anghel ng langit ay sasama kay Jesus sa Kanyang ikalawang pagparito. Habang papalapit na ang maliwanag na ulap sa lupa, magpapadala si Jesus ng Kanyang mga anghel, at mabilis nilang titipunin ang lahat ng matuwid na tao bilang paghahanda sa paglalakbay pabalik sa langit (Mateo 24:31)
5. Ano ang layunin ng ikalawang pagparito ni Jesus sa lupa?
"Ako'y malapit nang dumating at dala Ko ang Aking gantimpala, upang gantihan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa" (Apocalipsis 22:12).
"Ako'y babalik at kayo'y tatanggapin Ko sa Aking sarili, upang kung saan Ako naroroon, kayo rin ay naroroon" (Juan 14:3).
"Upang kanyang suguin ang Cristo ...Siya'y dapat manatili sa langit hanggang sa mga panahon ng pagpapanumbalik ng lahat ng mga bagay" (Gawa 3:20, 21).
Sagot: Si Jesus ay babalik sa mundong ito upang iligtas ang Kanyang bayan, tulad ng ipinangako Niya, at dalhin sila sa magandang tahanan na inihanda Niya para sa kanila.
6. Ano ang mangyayari sa mga taong matuwid pagdating ni Jesus sa pangalawang pagkakataon?
"Sapagkat ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit ... at ang mga namatay kay Cristo ay babangon muna. Pagkatapos, tayong
nabubuhay na natitira ay aagawing kasama nila sa mga ulap, upang salubungin ang Panginoon sa papawirin; at sa gayon ay makakapiling natin ang Panginoon magpakailanman" (1 Tesalonica 4:16, 17).
"Tayong lahat ay babaguhin ...at ang mga patay ay mabubuhay na walang pagkasira. Sapagkat kailangan ... itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan" (1 Corinto 15:51–53)
"Hinihintay naman natin ...ang Panginoong Jesu-Cristo na Siyang magbabago ng ating hamak na katawan upang maging katulad ng katawan ng Kanyang kaluwalhatian" (Filipos 3:20,21).
Sagot: Ang mga tumanggap kay Cristo sa panahon ng kanilang buhay ngunit namatay ay bubuhayin mula sa kanilang mga libingan, bibigyan ng perpekto at walang kamatayang mga katawan, at itataas sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon. Ang mga buhay na naligtas ay bibigyan din ng mga bagong katawan at itataas upang salubungin ang Panginoon sa hangin. Dadalhin ni Jesus ang lahat ng naligtas sa langit.
Tandaan: na hindi tumapak si Jesus sa lupa sa Kanyang ikalawang pagparito. Sasalubungin Siya ng mga banal "sa himpapawid." Kaya't ang bayan ng Dios ay hindi maloloko ng anumang ulat na nagsasabing si Cristo ay nasa, halimbawa, London, New York, Moscow, o kahit saan pa sa mundo. Ang mga bulaang kristo ay lilitaw sa mundo at gagawa ng mga himala (Mateo 24: 23–27), ngunit si Jesus ay mananatili sa mga ulap sa itaas ng mundo sa Kanyang ikalawang pagparito.
7. Ano ang mangyayari sa masasamang tao kapag muling dumating si Jesus?
"Sa hinga ng Kanyang mga labi ay Kanyang papatayin ang masama" (Isaias 11:4).
"At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na iyon ay magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo" (Jeremias 25:33).
Sagot: Pagdating ni Hesus, iyong mga mapanghimagsik na kumapit sa kasalanan ay mamamatay sa Kanyang nagniningning na kaluwalhatian.
8. Paano makakaapekto ang pangalawang pagparito ni Cristo sa mundo?
"At nagkaroon ng malakas na lindol, na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng tao sa lupa. ...At tumakas ang bawat pulo at walang mga bundok na matagpuan" (Apocalipsis 12:18, 20).
"Ako'y tumingin, at narito, ang mabungang lupain ay naging disyerto, at lahat ng mga lunsod ay nakatiwangwang na guho sa harapan ng Panginoon" (Jeremias 4:26).
"Gigibain ng Panginoon ang lupa at ito'y sisirain ...Lubos na mawawalan ng laman ang lupa" (Isaias 24:1, 3).
Sagot: Ang sanlibutan ay masasakop ng isang malaking lindol sa pagdating ng Panginoon. Ang lindol na ito ay lubhang mapanira na iiwan nito ang mundo sa isang estado ng ganap na pagkawasak.
9. Nagbibigay ba ang Biblia ng tiyak na impormasyon tungkol sa malapit na pagparito ni Cristo?
Sagot: Oo! Si Jesus mismo ang nagsabi, "Kapag nakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, alam ninyong Siya'y malapit na, nasa mga pintuan na" (Mateo 24:33). Ang Panginoon ay nagbigay ng mga palatandaan mula sa Kanyang pag-akyat hanggang sa Kanyang pangalawang pagparito. Tingnan sa ibaba ...
A. Ang Pagkawasak ng Jerusalem
Hula: "Walang matitira ni isang bato rito na nasa ibabaw ng ibang bato na hindi ibabagsak. ...ang mga nasa Judea ay tumakas na patungo sa mga bundok" (Mateo 24:2,16).
Katuparan ng Hula: Ang Jerusalem ay nawasak noong 70 AD ng mandirigmang Romano na si Titus
B. Matinding Pag uusig, Pagpapahirap
Hula: "Sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding paghihirap na hindi pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanlibutan" (Mateo 24:21).
Katuparan ng Hula: Pangunahing itinuturo ng hula na ito ang kapighatian na naganap sa panahon ng Dark Ages at inudyukan ng tumalikod na iglesyang Kristiyano. Tumagal ito ng higit sa 1,000 taon. Mahigit sa 50 milyong mga Kristiyano ang pinatay ng huwad na simbahan, na "nagbuhos ng mas maraming inosenteng dugo kaysa sa anumang ibang institusyon na mayroon nang sangkatauhan." W.E.H. Lecky, History of the Rise and Influence of the Spirit of Rationalism in Europe, (Reprint New York: Braziller, 1955) Vol. 2, pp. 40-45.
C. Ang araw ay magiging kadiliman
Hula: "At pagkatapos ng paghihirap sa mga panahong iyon ay magdidilim ang araw" (Mateo 24:29).
Katuparan ng Hula: Ito ay natupad nang isang araw ng kahima himalang kadiliman noong Mayo 19, 1780. Hindi ito isang eklipse. Inilarawan ng isang nakasaksi, "Ang ika-19 ng Mayo, 1780, ay isang kapansin-pansin na madilim na araw. Ang mga kandila ay sinindihan sa maraming mga bahay; ang mga ibon ay tahimik at nawala, at ang mga ibon sa himpapawid ay nanatili sa kanilang mga pugad … Ang isang pangkalahatang opinyon ay nanaig na ang araw ng paghuhukom ay malapit na." Connecticut Historical Collections, compiled by John Warner Barber (2nd ed. New Haven: Durrie & Peck and J.W. Barber, 1836) p. 403
D. Ang buwan ay magiging dugo
Hula: "Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na araw ng Panginoon" (Joel 2:31).
Katuparan ng Hula: Ang buwan ay naging kasing pula ng dugo sa gabi ng "madilim na araw," Mayo 19, 1780. Sinabi ng isang nagmamasid, sa Stone's History of Massachusetts, "Ang buwan na buo, ay may hitsura ng dugo."
E. Ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit
Hula: "Mahuhulog ang mga bituin mula sa langit" (Mateo 24:29).
Katuparan ng Hula: Isang nakamamanghang star shower ang naganap noong gabi ng Nobyembre 13, 1833. Napakaliwanag na ikaw ay makakapagbasa ng pahayagan sa madilim na lansangan. Naisip ng mga tao na ang katapusan ng mundo ay dumating na. Ito ay pinaka-kaakit-akit - at isang tanda ng pagdating ni Cristo. Sinabi ng isang manunulat, "Sa loob ng halos apat na oras ang langit ay literal na nagliliyab."
F. Si Jesus ay Darating sa Mga Ulap
Hula: "Pagkatapos ay lilitaw ang tanda ng Anak ng Tao sa langit, at tatangis ang lahat ng mga lipi sa lupa, at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30).
Katuparan ng Hula: Ito ang susunod na malaking kaganapan. Handa ka na ba?
10. Paano natin malalaman kung nasa mga huling araw na tayo ng kasaysayan ng mundo? Inilalarawan ba ng Biblia ang mundo at ang mga tao sa huling henerasyon?
Sagot: Oo! Tingnan ang mga sumusunod na palatandaan ng mga huling araw. Mamangha ka! At ito ay ilan lamang sa maraming mga palatandaan na nagpapakita na tayo ay malapit na na nagtatapos na panahon ng sanlibutan.
A. Mga Digmaan at Kaguluhan
Hula: "At kapag kayo'y nakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong matakot. Sapagkat kailangang mangyari muna ang mga bagay na ito" (Lucas 21:9).
Katuparan ng Hula: Ang mga giyera at pag-atake ng terorismo ay nakakaapekto sa milyun-milyon sa buong mundo. Si Jesus lamang na malapit nang dumating ang magtatapos ng sakit at pagkawasak.
B. Pagkabalisa, Pagkatakot, Paghihimagsik
Hula: "At sa lupa'y magkakaroon ng kahirapan sa mga bansa, na nalilito ...Ang mga tao ay manlulupaypay dahil sa takot, at mangangamba sa mga bagay na darating sa daigdig" (Lucas 21:25, 26).
Katuparan ng Hula: Ito ay isang napaka tumpak na larawan ng mundo ngayon-at mayroong dahilan: Tayo ang mga tao sa pinakahuling mga araw ng kasaysayan ng mundo. Hindi dapat nakagugulat sa atin ang maigting na kapaligiran na nararanasan sa mundo ngayon. Inihula ito ni Cristo. Isa itong katunayan sa atin na malapit na ang Kanyang pagdating.
C. Paglago ng Kaalaman
Hula: "Sa panahon ng wakas ...ang kaalaman ay lalago" (Daniel 12:4).
Katuparan ng Hula: Ang pasimula ng Information Age ay ginagawang malinaw ang isang ito. Kahit na ang pinaka-nagdududa na isip ay aaminin na ang hulang ito ay natupad. Ang kaalaman ay lumalago sa lahat ng larangan ng agham — medesina, teknolohiya, at marami pa.
D. Mga Manunuya at Mga Nagdududa sa mga Relihiyoso
Hula: "Sa mga huling araw ay darating ang mga manlilibak" (2 Peter 3:3).
"Hindi nila matitiis ang wastong aral ...at tatalikod sa pakikinig sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at babaling sa mga kathang-isip" (2 Timoteo 4:3, 4).
Katuparan ng Hula: Hindi mahirap makita ang katuparan ng hula na ito ngayon. Kahit na ang mga lider ng relihiyon ay tinatanggihan ang mga simpleng aral ng Biblia tungkol sa Paglikha, ang Baha, ang kabanalan ni Cristo, ang pangalawang pagparito, at maraming iba pang mga katotohanan sa Biblia. Ang mga nagtuturo sa publiko ay nagtuturo sa ating kabataan na tuyain ang mga tala ng Biblia at palitan ng ebolusyon at iba pang maling aral para sa malinaw na katotohanan ng Salita ng Dios.
E. Pagbaba ng Moralidad, Paghina ng Espiritwalidad
Hula: "Sa mga huling araw ...ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili ...walang katutubong pag-ibig ...mga walang pagpipigil sa sarili ...mga hindi maibigin sa mabuti ...na may anyo ng kabanalan, ngunit tinatanggihan ang kapangyarihan nito" (2 Timoteo 3:1–3, 5).
Katuparan ng Hula: Ang Amerika ay nasa gitna ng isang espiritwal na krisis. Sinasabi ng mga tao mula sa lahat ng antas ng buhay. Halos isa sa dalawang kasal ang nagtatapos sa diborsyo. Ang pababang interes ng kasalukuyang henerasyon sa kabanalan sa Biblia ay isang malinaw na katuparan ng Salita ng Dios. Tunay na kagulat gulat, tingnan kung ilan sa mga huling araw na kasalanan na nakalista sa 2 Timoteo 3:1–5 na nakikita mong inilalarawan sa balita ngayon. Walang anuman sa pagparito ng Panginoon ang hahadlang sa kasamaan na sumasakop sa mundo.
F. Pagkahibang sa Kalayawan
Hula: "Sa mga huling araw ...ang mga tao'y ...maibigin sa kalayawan sa halip na mga maibigin sa Dios" (2 Timoteo 3:1, 2, 4).
Katuparan ng Hula: Ang mundo ay nahibang sa kalayawan. Ilan lamang sa mga tao ang regular na nagsisimba, ngunit libu-libo ang nagsisiksikan sa mga palaruan at iba pang mga lugar ng libangan. Ang mga Amerikano ay gumagastos ng bilyun-bilyon bawat taon para sa
kasiyahan at "mga mani lamang," bilang paghahambing, para sa mga gawain ng Dios. Nagsasayang ang mga hibang na Amerikano ng bilyun-bilyong oras sa harap ng TV na naghahanap ng makamundong kasiyahan —na direktang katuparan ng 2 Timoteo 3:4.
G. Pagdami ng Kasamaan, Madugong krimen at Karahasan
Hula: "Paglaganap ng kasamaan" (Mateo 24:12).
"Ang masasamang tao at mga mandaraya ay lalong sasama nang sasama" (2 Timoteo 3:13).
"Ang lupain ay punô ng madudugong krimen, at ang lunsod ay punô ng karahasan" (Ezekiel 7:23).
Katuparan ng Hula: Malinaw na ang tandang ito ay natupad. Ang bilang ng kasamaan ay tumataas sa nakakagulat na bilis. Marami ang natatakot para sa kanilang buhay sa tuwing sila ay lalabas ng kanilang tahanan. Marami sa ngayon ang nag-aalala tungkol sa kaligtasan ng sibilisasyon dahil ang krimen at karahasan ay walang tigil na sumusulong.
H. Likas na Sakuna at Pag-aalsa
Hula: "Magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakaroon ng taggutom at mga salot ...at sa lupa'y magkakaroon ng kahirapan sa mga bansa, na nalilito" (Lucas 21:11, 25),
Katuparan ng Hula: Ang mga lindol, buhawi, at pagbaha ay dumarami sa walang katulad na bilis. Libu-libo ang namamatay araw-araw sa gutom, sakit, at kakulangan ng tubig at pangangalagang pangkalusugan-lahat ng mga palatandaan na nabubuhay tayo sa huling panahon ng mundo.
I. Isang Espesyal na pabalita sa mundo sa mga Huling Araw
Hula: "At ang magandang balitang ito ng kaharian ay ipahahayag sa buong daigdig bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at pagkatapos ay darating ang wakas" (Mateo 24:14).
Katuparan ng Hula: Ang dakila, huling-babalang mensahe ng ikalawang pagparito ni Cristo ay ibinabalita ngayon sa halos bawat wika ng mundo. Bago ang ikalawang pagparito ni Jesus, ang bawat tao sa mundo ay babalaan tungkol sa Kanyang malapit na pagbabalik.
J. Pagbaling sa Espiritismo
Hula: "Sa mga huling panahon ang iba'y tatalikod sa pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa mga mandarayang espiritu" (1 Timoteo 4:1).
Sila'y mga espiritu ng mga demonyo" (Apocalipsis 16:14).
Katuparan ng Hula: Ang mga tao ngayon, kasama ang napakaraming lider ng mga bansa, ay humihingi ng payo mula sa mga psychics, midyum, at espiritista. Sinakop din ng espiritismo ang mga simbahang Kristiyano, na itinaguyod ng hindi Biblikal na katuruang walang kamatayang kaluluwa. Itinuturo ng Biblia na ang mga patay ay patay na. (Tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 10 para sa higit pa sa paksang ito.)
K. Problema sa kapital at trabaho
Hula: "Tingnan ninyo, ang sahod ng mga manggagawa na gumapas sa inyong mga bukid na inyong ipinagkakait ay umiiyak; at ang pag-iyak ng mga umani ay nakarating sa pandinig ng Panginoon ...Maging matiyaga rin kayo ...sapagkat ang pagdating ng Panginoon ay malapit na" (Santiago 5:4, 8).
Katuparan ng Hula: Ang problema sa pagitan ng kapital at paggawa ay hinulaan sa mga huling araw. Nagdududa ka bang natupad ito?
11. Gaano na nga ba kalapit ang ikalawang pagparito ng Panginoon?
"Kaya, pag-aralan ninyo mula sa puno ng igos ang kanyang talinghaga: kapag malambot na ang sanga nito at umuusbong na ang mga dahon, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, alam ninyong Siya'y malapit na, nasa mga pintuan na. Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito" (Mateo 24:32–34).
Sagot: Ang Biblia ay napaka tiyak at malinaw sa puntong ito. Halos lahat ng mga palatandaan ay natupad. Hindi natin malalaman ang araw at oras ng pagbabalik ni Cristo (Mateo 24:36), ngunit malalaman natin na ang Kanyang pagparito malapit na. Nangako ang Dios na tatapusin Niya ang mga bagay nang napakabilis ngayon (Roma 9:28). Si Cristo ay babalik sa lupa para sa Kanyang bayan sa lalong madaling panahon. Handa ka na ba?
12. Maraming kasinungalingang sinasabi si Satanas tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Cristo, mga kababalaghan at himala na may kasinungalingan, na manlilinlang sa marami. Paano ka makasisiguro na hindi ka malilinlang?
"Sila'y mga espiritu ng mga demonyo na gumagawa ng mga tanda[himala]" (Apocalipsis 16:14).
"Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at ang mga bulaang propeta, at magpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan, anupa't ililigaw, kung maaari, pati ang mga hinirang" (Mateo 24:24).
"Sa kautusan at sa patotoo! Kung hindi sila nagsasalita nang ayon sa salitang ito ay sa dahilang wala silang umaga" (Isaias 8:20).
Sagot: Nag-imbento si Satanas ng maraming maling aral tungkol sa ikalawang pagparito at nililinlang ang milyun-milyon sa paniniwalang dumating na si Cristo o darating Siya sa paraang hindi naaayon sa mga turo ng Biblia. Ngunit binalaan tayo ni Cristo tungkol sa gawain ni Satanas, sinasabing, "Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ng sinuman" (Mateo 24:4). Inilantad Niya ang mga kasinungalingan ni Satanas upang tayo ay mabigyan ng babala, at paalalahanan Niya tayo, "Tingnan ninyo, ipinagpauna Ko nang sinabi sa inyo" (Mateo 24:25). Halimbawa, partikular na sinabi ni Jesus na hindi Siya lalabas sa ilang o pupunta sa isang silid (talata 26). Walang dahilan upang malinlang kung alam natin kung ano ang itinuturo ng Dios tungkol sa ikalawang pagparito ni Cristo. Ang mga taong nakakaalam kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa ikalawang pagparito ay hindi maliligaw ni Satanas. Lahat ng iba maloloko.
13. Paano ka makasisiguro na ikaw ay handa sa pagbabalik ni Jesus?
"Ang lumalapit sa akin kailanman ay hindi ko itataboy" (Juan 6:37).
"Ang lahat ng tumanggap sa Kanya ...Kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Dios" (Juan 1:12).
"Ilalagay Ko ang Aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip, at isusulat Ko ang mga iyon sa kanilang mga puso" (Hebreo 8:10).
"Salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo" (1 Corinto 15:57).
Sagot: Sinabi ni Jesus, "Makinig ka! Ako'y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang Aking tinig at buksan ang pinto, Ako'y papasok sa kanya"(Apocalipsis 3:20). Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, si Jesus ay kumakatok at humihiling na pumasok sa iyong puso upang mabago Niya ang iyong buhay. Kung ibabaling mo ang iyong buhay sa Kanya, buburahin Niya ang lahat ng iyong mga kasalanan (Roma 3:25) at bibigyan ka ng kapangyarihang mabuhay ng isang maka-Dios na buhay (Filipos 2:13). Bilang isang libreng regalo, ipinagkakaloob Niya sa iyo ang Kanyang katwirang likas upang makatayo ka nang walang takot sa harap ng isang banal na Dios. Ang paggawa ng Kaniyang kalooban ay magiging kasiyahan. Napakadali na maraming nag-aalinlangan sa katotohanan nito, ngunit totoo ito. Ang iyong bahagi ay ibigay lamang ang iyong buhay kay Cristo at hayaan siyang mabuhay sa iyo. Ang Kanyang bahagi ay gumawa ng dakilang himala sa iyo na magbabago sa iyong buhay at ihahanda ka para sa Kanyang ikalawang pagparito. Ito ay isang libreng regalo. Kailangan mo lamang itong tanggapin.
14. Sa anong malaking panganib tayo binalaan ni Cristo?
"Maging handa rin naman kayo, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan" (Mateo 24:44).
"Mag-ingat kayo sa inyong sarili, baka magumon ang inyong mga puso sa katakawan, at kalasingan, at sa mga alalahanin ukol sa buhay na ito, at biglang dumating ang Araw na iyon na parang bitag" (Lucas 21:34).
"Kung paano sa mga araw ni Noe, gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao" (Mateo 24:37).
Sagot: Mayroong malaking peligro sa pagiging abala sa mga alalahanin sa buhay na ito o kaya ay pagkawili sa mga kasiyahan ng kasalanan na ang pagdating ng Panginoon ay maaaring mangyari sa atin tulad ng ginawa ng Baha sa mundo sa panahon ni Noe, at tayo ay magugulat, hindi handa, at nawala. Nakalulungkot, ito ang magiging karanasan ng milyun-milyon. Si Jesus ay malapit ng bumalik. Handa ka na ba?
15. Nais mo bang maging handa sa pagbabalik ni Jesus para sa Kanyang bayan?
Sagot:
Mga Palaisipang Katanungan
1. Hindi pa ba darating ang matinding paghihirap?
Totoo na isang kakila-kilabot na paghihirap ay babalutin ang mundo bago bumalik si Jesus upang iligtas ang Kanyang bayan. Inilarawan ito ni Daniel bilang "panahon ng kaguluhan na hindi pa nangyari kailanman" (Daniel 12:1). Gayunpaman, ang Mateo 24:21 ay tumutukoy sa kakila-kilabot na pag-uusig sa bayan ng Dios sa panahon ng Dark Ages, kung saan milyon-milyon ang pinatay.
2. Yamang ang Panginoon ay darating "tulad ng isang magnanakaw sa gabi," paano malalaman ng sinuman ang tungkol dito?
Ang sagot ay matatagpuan sa 1 Tesalonica 5:2–4: "Sapagkat kayo rin ang lubos na nakakaalam na ang araw ng Panginoon ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi. Kapag sinasabi nila, “Kapayapaan at katiwasayan,” kaagad darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao, at walang makakatakas!
Ngunit kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na iyon ay mabigla kayong gaya sa magnanakaw. Ang binibigyang diin ng talatang ito ay ang kabiglaan ng araw ng Panginoon. Dumarating ito bilang isang magnanakaw para lamang sa mga hindi nakahanda, hindi para sa mga handa - ang mga tinawag na "kapatid."
3. Kailan itatatag ni Cristo ang Kanyang kaharian sa lupa?
Matapos ang dakilang 1,000-taong panahon ng Apocalipsis 20. Ang milenyo na ito ay magsisimula sa ikalawang pagparito, nang kunin ni Jesus ang mga matuwid mula sa lupa patungo sa langit upang manirahan at maghari kasama Niya “isang libong taon” (Apocalipsis 20:4). Sa pagtatapos ng 1,000 taon, "ang banal na lunsod, bagong Jerusalem" (Apocalipsis 21:2) ay bumaba mula sa langit patungo sa lupa kasama ang lahat ng mga banal (Zacarias 14: 1, 5) at ang mga masasama na patay sa lahat ng panahon ay nabuhay (Apocalipsis 20: 5). Pinaligiran nila ang lungsod upang makuha ito (Apocalipsis 20: 9), ngunit ang apoy ay bumaba mula sa langit at tinupok sila. Ang apoy na ito ay naglilinis ng mundo at sinusunog ang lahat ng mga bakas ng kasalanan (2 Pedro 3:10, Malakias 4: 3).
Pagkatapos ang Dios ay lilikha ng isang bagong lupa (2 Pedro 3:13; Isaias 65:17; Apocalipsis 21: 1) at ibibigay ito sa matuwid, at "Ang Dios mismo ay makakasama nila, at Siya'y magiging Dios nila" (Apocalipsis 21:3). Ang sakdal, banal, masasayang nilalang, na naibalik muli sa perpektong imahe ng Dios, ay sa wakas ay nasa tahanan sa isang walang kasalanan, walang dungis na mundo tulad ng orihinal na plano ng Diyos.
(Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa magandang kaharian ng Dios, tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 4. Para sa higit pa tungkol sa 1,000 taon, tingnan ang Gabay sa Pag-aaral 12.)
4. Bakit hindi tayo nakaririnig ng higit na pangangaral at pagtuturo ngayon tungkol sa ikalawang pagparito ni Cristo?
May pananagutan ang diablo. Alam na alam niya na ang ikalawang pagparito ay ang "mapalad na pag-asa" (Tito 2:13) ng Kristiyano, at kapag naintindihan, binabago nito ang buhay ng mga kalalakihan at kababaihan na mangunguna sa kanila na gumawa ng isang personal, aktibong bahagi sa pagpapakalat ng mabuting balita sa iba. Pinagagalit nito si Satanas, kaya iniimpluwensyahan niya ang mga "may anyo ng kabanalan" (2 Timoteo 3:5) na manuya, na sinasabi, "Nasaan ang pangako ng Kanyang pagdating?
Sapagkat, buhat pa nang mamatay ang ating mga ninuno, nananatili ang lahat ng mga bagay sa dati nilang kalagayan mula nang pasimula”(2 Pedro 3:3, 4). Ang mga tumanggi o binabaliwala ang ikalawang pagparito ni Cristo bilang isang literal, malapit nang mangyari na kaganapan ay natutupad ang mga hula sa Biblia-at ginagawa ang paglilingkod sa diablo.
5. Ngunit hindi ba si Jesus ay nagsasalita ng isang lihim na pag-agaw nang sinabi Niya sa Lucas 17:36, "Ang isa ay kukunin at ang isa ay iiwan"?
Hindi. Walang pahiwatig na ang kaganapan ay lihim. Inilalarawan ni Jesus ang pagbaha sa panahon ni Noe at ang pagkawasak ng Sodoma. (Tingnan sa Lucas 17:26–37.) Sinabi Niya kung paano iniligtas ng Dios sina Noe at Lot at winasak ang masasama.
Partikular Niyang sinabi na ang baha at apoy ay "nilipol silang lahat" (talata 27, 29). Malinaw, sa bawat kaso, iilan ang nadala sa kaligtasan at ang natira ay nawasak. Pagkatapos ay idinagdag Niya, "Gayundin naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng Tao ay mahayag" (talata 30). Upang ilarawan, nagpatuloy si Jesus, "Dalawang lalaki ang nasa bukid: ang isa ay kukunin at ang isa ay iiwan" (talata 36). Walang lihim tungkol sa Kanyang pagbabalik. "Makikita siya ng bawat mata" (Apocalipsis 1:7).
Sa Kanyang pangalawang pagparito, kukunin ni Cristo ang lahat ng matuwid sa ibabaw ng ulap na makikita ng lahat(1 Tesalonica 4:16, 17), habang ang Kanyang banal na presensya ay pumapatay sa mga masasama (Isaias 11: 4; 2 Tesalonica 2: 8). Iyon ang dahilan kung bakit binabanggit ng Lucas 17:37 ang mga katawan ng masasama at binanggit ang mga agila (o mga buwitre) na natipon sa paligid nila. (Tingnan din sa Apocalipsis 19:17, 18.) Ang masasama na naiwan sa pagdating ni Cristo ay naiwang patay.
(Para sa higit pa sa teoryang "lihim na pag-agaw", makipag-ugnay sa amin para sa aming libro tungkol sa paksa.)
Watch sermon video of Pastor Doug Batchelor