top of page
Hindi ba sinabi sa Mga Gawa 10:15 na ang lahat ng hayop ay pwede na kainin?
At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi. Mga Gawa 10:15
Ang sagot ay Hindi. Sapagkat ang kapitulo dyes ng Mga Gawa ay hindi tumutukoy sa batas ng malinis at maruming pagkain (Leviticus 11:1-47, 1Co 10:31) kundi ito'y tumutukoy sa kung papaanong makikisama at tatanggapin ni Pedro ang ang mga taong taga ibang bayan o tinatawag na mga Hentil. Sa madaling salita, hindi diet ang nagbago kay Pedro kundi ang paraan ng kanyang pakikisalamuha sa mga taga ibang bayan.(10:28)
Upang maunawaan natin ang konteksto ng sinasabi sa talatang nabanggit, ay kailangan nating basahin ang buong kapitulo ng Mga Gawa 10. Ang kapitulo ay nagsimula sa pagpapakilala ay Cornelio, isang italianong centurion na natatakot sa Diyos, matulungin at mapanalanginin. (Mga Gawa 10: 1-8). Sa kapanahunan ni Jesus at ng mga apostol, ay may kultura o tradisyon ang mga hudyo na nagbabawal sa kanila na makisalamuha sa mga Hintil o taga ibang bayan (John 4:9, Mga Gawa 10:28). At si Pedro bilang isang Hudyo ay nakasanayan at patuloy na sumusunod sa tradisyong ito. Ito ang tinutukoy ng Diyos ng sabihin Niya kay pedro sa pangitain (Mga gawa 10:9-16) na "Huwag mong ipag palagay na marumi ang nilinis na ng Diyos". Alam natin na hindi ito tumutukoy sa pag aalis ng batas ng malinis at maruming hayop, una, sapagkat hindi natin nabasa na kumain si Pedro ng karumaldumal na hayop sa pangitain o sa buong buhay niya na nakatala sa kasulatan (10:14). Pangalawa, Pinag isipan niya ang ibigsabihin ng pangitain sapagkat alam niya na hindi ito patungkol sa malinis at maruming hayop(10:17). Bakit pa niya ito kailangang pag isipan kung ito'y literal na pagkain ang tinutukoy? Ikatlo, Ang Banal na Espirito ang malinaw na nag utos kay Pedro na huwag magdalawang isip na sumama sa dalawang lingkod ni Cornelius na kanyang sinugo. Ito'y pagbibigay linaw o kasagutan kay Pedro sa ibigsabihin ng pangitain(10:19,20). Ikaapat, malinaw na ang pangitain ay nagpapahayag na ang Diyos ay walang itinatanging tao, at si Kristo ay Panginoon ng lahat(10:36,37).
Sa makatuwid nauunawaan natin ang buong konteksto ng Mga Gawa Dyes Ay hindi tumutukoy sa marumi at malinis na pagkain, ngayong ating binasa ang buong kapitulo, at hindi tayo nagbase sa iisang talata para kumuha ng kungklusyon. At dahil sa pangitaing ito na ibinigay ng Diyos kay Pedro, ang buong sambahayan ni Cornelius at kanyang mga kaibigan ay nabautismuhan at tumanggap ng mga kaloob ng Banal na Espiritu gaya din ng mga Judio(10:44-48). Ang kaligtasan ay para sa lahat,(John 3:16). Ano man ang katayuan natin sa buhay, ano man ang ating kulay, ang Diyos ay minamahal tayo at handang tanggapin tayo anuman ang ating kasaysayan.
Hindi ba't napakasayang malaman na ang ating Diyos ay Diyos na hindi nagtatangi? Nagnanais ka bang mas makilala ang Diyos at siya'y paglingkuran? ngayon na ang panahon .
bottom of page