Kailangan pa ba sundin ng mga Kristiyano ang sampung utos?
Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. John 14:15
Sagot: Oo, dapat pang sundin ng mga Kristiyano ang sampung utos.
Sa Juan 14:15 sinabi ng Panginoong Jesus na "kung ako'y inyong iniibig ay tutuparin ninyo ang aking mga utos". Sa Juan 14:21 naman ay sinabi rin Niya na "Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya". Malinaw na itinuturo ng Panginoong Jesus na ang pag ibig at pagsunod ay laging magkasama at hindi maaaring paghiwalayin. Ito ay nakita natin sa buhay ng Panginoong Jesus bilang halimbawa upang ating sundin, nang sabihin Niya sa Juan 15:10 na "Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig". Nangangahulugan na ang Panginoong Jesus ay naging masunurin sa kautusan at siya ay namuhay ng matuwid at hindi nagkasala (1Pedro 2:22) sapagkat ang kasalanan ay paglabag sa kautusan (1Juan 3:4).
May mga nagsasabi na sa mga talatang ito ay hindi ang sampung utos ang tinutukoy ni Juan.
Na sa aklat ni Juan ay makikita natin ang tension sa pagitan ng kautusan ng mga Hudyo at ng Sampung utos.
Halimbawa, sa Juan 13:34 ay sinabi ni Jesus, "Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa:". Ang ginamit na salitang Griego dito para sa salitang Utos ay ang salitang "Entole", sa halip na ang salitang "Nomos" na tumutukoy sa kautusan. Sa Juan 8:5 naman ay ipinakikita na ang kautusan na batuhin ang babaeng nahuli sa pangangalunya ay tinatawag na "Nomos" Sa kautusan nga ay ipinagutos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan: ano nga ang iyong sabi tungkol sa kaniya?
Sa makatuwid nilinaw ni Juan ang pagkakaiba sa pagitan ng kautusan ng mga Hudyo at bagong kautusan ni Kristo na nagbabase sa pag ibig.
Sumasangayon tayo na mayroong usapin at tensyon sa mga talatang iyan sa pagitan ng kautusan ng mga Hudyo at Kautusan ng Diyos. Ngunit matutulungan tayo ng mga talata sa ibang mga aklat ng ebanghelyo tulad ng pagkakataon ng banggitin ni Jesus ang ikalimang kautusan na tumutukoy sa paggalang sa mg magulang, kumpara sa Kautusan ng mga Hudyo ng kapanahunan na yaon kung saan ang magulang ay pwede nang hindi suportahan ng mga anak kung ang pera ng anak ay ipapanata sa templo.
At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos (Entole) ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi?
Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.
Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios:
Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi.
Oo mayroong tensyon, ngunit ang tensyon na ito ay sa pagitan ng tamang pagkaunawa sa kautusan ng Diyos at pag aalis ng kalituhan sa masalimuot na mga tradiyon at mga kautusan na ipinag uutos at ginawa ng mga Escriba't Pariseo. Hindi ang pag aalis ng original na kautusang moral na nakalagay sa sampung utos.
Sa bagong tipan ang salitang "Entole". Utos o (Commandment), na ginamit ni Juan ay nangangahulugang derektang utos o mandato.
Ang salita namang ginamit ni Juan para sa satitang batas o (Law) ay ang saslitang "Nomos", na nangangahulugang mga tagubilin, kautusan at mga kaugalian.
May mga nagsasabi na ang "Nomos" ay tumutukoy sa sampung utos, at ang "Entole" naman ay tumotukoy sa bagong kautusan ni Kristo na pag-ibig.
Upang maging patas, kailangan nating tingnan kung paanong ginamit ang salitang "Entole" sa buong lumang tipan, bago tayo gumawa ng kungklusyon.
mateo 15:3-6
At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos (Entole) ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi?
Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.
Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios:
Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita (Entole) ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi.
Mateo 19:17-19
At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos (Entole).
Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Mark 7:9-10
At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos (Entole) ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi.
Sapagka't sinabi ni Moises, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala:
Mark 12:28-30
At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos (Entole) sa lahat?
Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel;
Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:
At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas
Luke 23:56
At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento. At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga ayon sa utos (entole).
Nakita natin sa mga aklat na ating binasa na ang salitang Entole ay tumutukoy sa sampung utos.
Sa susunod na mga talata ginamit ni Pablo ang salitang Nomos at Entole na parang parehas ang kanilang pakahulugan, ginamit ni pablo dito na halimbawa ang pag iimbot, sa talatang 7. ito ay nangangahulugang ang kasalanan ay paglabag sa sampung utos.
Roma 7:8-13
Datapuwa't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos (
Entole) ng sarisaring kasakiman: sapagka't kung walang kautusan (Nomos) ang kasalanan ay patay.
At nang isang panahon ako'y nabubuhay na walang kautusan (nomos): datapuwa't nang dumating ang utos(Entole), ay muling nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay;
At ang utos (Entole) na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay;
Sapagka't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos(Entole), at sa pamamagitan nito ay pinatay ako.
Kaya nga ang kautusan (nomos) ay banal, at ang utos (Entole) ay banal, at matuwid, at mabuti.
Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan; na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala.
sa susunod na talata ay hindi lamang iniugnay ni Pablo ang salitang "'entole" sa sampung utos, kundi iniugnay din niya ang sampung utos sa tinatawag na bagong utos na pag ibig sa iyong kapwa.
Roma 13:9
Sapagka't ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos (entole), ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.
Epeso 6:2
Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos (entole) na may pangako),
Malinaw na sa pag aaral ng salita, ang salitang "Entole" ay tumutukoy sa sampung utos.
Hindi ba't ang bagong utos ay pag ibig na lamang?
Marami ang nagsasabi na pinalitan na ng pag-ibig ang sampung utos.
yun nga ba ang sinasabi ng bibliya?
Nabasa na natin sa Roma 13:9 na ang kautusan na "ibigin ang iyong kapwa" ay ipinahahayag ng huling anim na utos sa sampung utos.
sinabi rin ni Jesus sa Mateo 19: 18-19
At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos (entole).
Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Ipinahayag ni Jesus ang dalawang kautusan ng Pag ibig sa Mateo 22:36-40 at sa dalawang kautusan na ito ay nakapaloob ang mga kautusan.
Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
Ito ang dakila at pangunang utos.
At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
Ngunit sinabi ni Juan na ang dalawang kautusan na ito ng pag ibig na itinuro ng Panginoong Jesus ay hindi bago, itoy nakalimutan lamang sa paglipas ng panahon, ngunit itoy hindi bagong utos.
1Juan 2:7
Mga minamahal, wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos, kundi ang dating utos na nasa inyo buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig.
Makikita na natin ang kautusan na ito ng pag-big sa lumang tipan pa lamang.
Deuteronomeo 6:5
At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.
Deuteronomeo 11:13
At mangyayari, na kung inyong didingging maigi ang aking mga utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios at siya'y paglingkuran ng buo ninyong puso, at ang buo ninyong kaluluwa,
Deuteronomeo 30:16
Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito na ibigin mo ang Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at tuparin mo ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, upang ikaw ay mabuhay at dumami, at upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.
Levitico 19:18
Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon.
Isaiah 58:6-10
Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?
Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?
Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.
Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, ang pagtuturo, at ang pagsasalita ng masama:
At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat;
Nakita natin na ang kautusan ng pag-big ay pundasyon ng kautusan, at ito ay hindi na bago. Ito ay napakahalaga sa konsepto sa tunay na pag sunod sa kautusan. Hindi nito inaalis ang sampung utos. Ang Pag ibig ang nagpapakita ng tunay na pagsunod sa kautusan. Tinutupad natin ang kanyang mga utos dahil iniibig natin Sya. At ang Pag ibig na yon at ang pakikisama sa Kanya ang nag uudyok sa atin upang mahalin natin ang ating kapawa.
Si Pablo at ang Sampung utos
Ang mga sulat ni Pablo ay maaaring panggalingan ng walang hanggang pagtatalo sa usapin ng kautusan. Maging si apostol Pedro ay nagpahayag na may mga sinulat si apostol Pablo na mga mahirap unawain, at isinisinsay ng mga di nakakaalam at walang tiyaga. Ngunit ang mga bagay na ito ay dapat mag bigay ng karunungan sa bawat tapat na mag aaral ng kasulatan sa katotohanan na ang kautusan at biyaya ay hindi maaaring paghiwalayin, o pag salungatin laban sa isat isa. Ang mainagt na pag aaral ng kasulatan ay magbibigay ng kaliwanagan sa atin na, oo hindi tayo maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan, sapagkat hindi tayo inaaring ganap sa pamamagitan ng kautusan. Ngunit idinagdag din ni Pablo, "Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya"? Huwag nawang mangyari: kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan. Roma 3:31
Pinanghahawakan ni Pablo ang kautusan bilang matuwid na pamantayan ng pag uugaling Kristiyano. Sapgkat ang problema ng kasalanan ay hindi natatapos kung ito'y mabayaran (Justification). Ngunit ang Makasalanan ay kinakailangan ding maihiwalay sa pagkakasala (Sanctification), at mabigyan ng bagong puso at mabuhay ng ayon sa kalooban ni Kristo.
Sa mga susunod na talata ay makkikita natin na pinanghahawakan ni Pablo ang sampung Utos.
Roma 13:9
Sapagka't ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.
Ephesians 6;1-3
Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako),
Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.
1Corinto 7:19
Ang pagtutuli ay walang anoman, at ang di pagtutuli ay
walang anoman; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios.
Roma 7:12
Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.
Roma 7:7
Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga'y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa't, hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka't hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, Huwag kang mananakim:
1Timoteo 1:8
Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
Ang kalituhan ay resulta ng hindi pagkaunawa sa katotohanan na ang panlabas na pagsunod sa kautusan ay hindi sapat. Ito ang naging malaking problema ng Israel, na pinipilit na maging matuwid, sa pamamagitan ng kautusan Roma 9:31). Ibigsabihin gusto nilang anihin ang pabor ng Diyos sa pamamagitan ng panlabas nilang pagsunod sa kautusan, at ang naging resulta ay ang kanilang pagkabigo. Bakit? Dahil wal ang puso nila dito. "Sapagkat hindi nila ito hinanap ayon sa pananampalataya kundi ayon sa kanilang mga gawa" (Roma 9:32).
Ang Panginoong Jesus at ang kautusan
Juan 14:15
Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Juan 14;21
Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
Mateo 5:17-19
Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
Mateo 15:6-9
Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi.
Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,
Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.
Mateo 19:17-19
At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.
Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Mateo 22:36-40
Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
Ito ang dakila at pangunang utos.
At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
Sinabi rin naman ng Panginoong Hesu Kristo na ang panlabas na pagsunod sa kautusan ay hindi sapat. "Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.(Mateo 5:20) itoy kailangang nanggagaling sa puso. Isang Relasyon na tumatagos sa buhay ng isang tao na nahahayag sa pag ibig na higit sa pag ibig na mauunawaan ng isang tao. Ito'y magiging posible lamang kung tayo'y nakakabit kay Kristo. Sa makatuwid ay ang pagkakaroon ng tipan sa pagitan ng tao at ng kaniyang Diyos.
References:
http://dedication.www3.50megs.com/law1.html
Strong's Hebrew and Greek Dictionary
My Sword Bible study tool