top of page

Ligtas sa Tiyak na Kamatayan

Talata: Jeremias 31:3, 1 Juan 4:9-10, Roma 5:8

SG03-cover-image-new.jpg

Lesson 3

Isipin ang kakila kilabot na sitwasyon na kung saan ikaw ay nakulong sa
nasusunog na bahay, na ikaw ay napapalibutan ng nakapapasong apoy at
makapal na usok. Pagkatapos ay isipin kung gaano kalugod at kaginhawa ang
mararamdaman mo na ikaw ay naligtas. Ang totoo ay ang bawat tao sa planeta ay
nasa matinding panganib. Lahat tayo ay nangangailangan ng agarang pagliligtas
— hindi ng mga taong naka-uniporme — ngunit ng ating Ama sa langit. Mahal
na mahal ka ng Dios kaya't isinugo Niya ang Kanyang Anak upang iligtas ka.
Marahil ay narinig mo na ito dati, ngunit sigurado ka bang naiintindihan mo
kung ano talaga ang tungkol dito? Ano ba talaga ang ibig sabihin nito at maaari
ba nitong mabago ang iyong buhay? Basahin at alamin!

1. Tunay bang nagmamalasakit ang

Dios sa iyo?

Ganito ang Kanyang sinabi: "Sapagkat ikaw ay mahalaga sa Aking paningin, at kagalang-galang, at minamahal Kita" (Isaias 43:4).
"Inibig kita ng isang walang hanggang pag-ibig" (Jeremias 31:3).

 

Sagot: Ang walang katapusang pag-ibig ng Dios sa iyo ay higit sa pag unawang tao. Mahal ka pa rin Niya kahit na ikaw lang ang nag iisang makasalan samundo. At handa pa ring ibigay ni Jesus ang Kanyang buhay kahit na walang ibang makasalanan na kailangang iligtas. Huwag kalimutan na ikaw ay mahalaga sa Kanyang paningin. Talagang mahal ka Niya at tunay Siyang nagmamalasakit sa iyo.
 

SG03-q1-Jesus-and-man.jpg

2. Paano ipinakita ng Dios ang Kanyang pagmamahal sa iyo?

"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16).
 

"Dito nahayag ang pag-ibig ng Dios sa atin, sapagkat sinugo ng Dios ang Kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan Niya. Narito ang pag-ibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi Siya ang umibig sa atin, at sinugo ang Kanyang Anak na pantubos sa ating mga kasalanan"

(1 Juan 4:9, 10).
 

Sagot: Dahil tunay na mahal ka ng Diyos, handa Niyang ipadala ang Kanyang nag-iisang Anak upang maghirap at mamatay sa halip na mahiwalay sa iyo ng walang-hanggan. Maaaring mahirap na maunawaan nang husto ang ganoong uri ng masaganang pag-ibig, ngunit ginawa ito ng Diyos para sa iyo.
 

3. Paano Niya nagawang mahalin ang isang tulad mo?

"Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin" (Roma 5:8).

Sagot: Paniguradong hindi dahil karapat-dapat ang sinuman dito. Wala sinumang tao ang nakakuha ng anupaman maliban sa kabayaran ng kasalanan, na kamatayan (Roma 6:23). Ngunit ang pag-ibig ng Dios ay walang pasubali. Mahal Niya ang mga nagnanakaw, ang mga nakagawa ng pangangalunya, at

SG03-q2-Hands-Jesus-Holding-Comfort.jpg

maging ang mga nagpaslang. Mahal Niya ang mga makasarili, mga mapagkunwari, at mga lulong. Hindi mahalaga kung ano ang nagawa mo, o kung ano ang iyong ginagawa, mahal ka Niya — at nais Niyang iligtas ka mula sa kasalanan at mga nakamamatay na kahihinatnan

4. Ano ang ginawa ng kamatayan ni Jesus para sa iyo?

"Masdan ninyo kung anong uri ng pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y matawag na mga anak ng Diyos!" (1 Juan 3:1).


"Ang lahat ng tumanggap sa Kanya na sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay Kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Dios" (Juan 1:12).
 

Sagot: Si Cristo ay namatay upang tugunin ang parusang kamatayan laban sa iyo. Ipinanganak Siya na isang tao upang maghirap Siya ng uri ng kamatayan na karapat-dapat sa lahat ng mga makasalanan. At ngayon, nag-aalok Siya na bigyan ka ng bahagi para sa kung ano ang Kanyang ginawa. Ang Kanyang buhay na walang kasalanan ay ipinapalagay sa iyo upang maibilang ka bilang matuwid. Ang Kanyang kamatayan ay tinanggap ng Dios bilang buong bayad para sa lahat ng iyong pagkakamali, at kapag tinanggap mo ang Kanyang ginawa bilang isang regalo, ibibilang ka sa sangbahayan ng Dios bilang Kanyang anak.
 

5. Paano mo tatanggapin si Jesus at lumakad mula sa kamatayan patungo sa buhay?

Kailangan mo lamang tanggapin ang tatlong bagay:
 

1. Ako ay makasalanan. "Ang lahat ay nangagkasala" (Roma 3:23).
 

2. Ako ay tiyak na mamamatay. "Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan" (Roma 6:23).
 

3. Hindi ko kayang iligtas ang aking sarili. "Kung kayo'y hiwalay sa Akin ay wala kayong magagawa" (Juan 15:5).
 

Pagkatapos ay paniwalaan ang tatlong bagay:
 

1. Siya[Jesus] ay namatay para sa akin. "Upang ... maranasanan Niya[Jesus] ang kamatayan alang alang sa lahat" (Hebreo 2:9).


2. Pinapatawad Niya ako. "Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan" (1 Juan 1:9).


3. Niligtas Niya ako. "Ang sinumang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan" (Juan 6:47).
 

SG03-q5-CrownOfThorns.jpg

Sagot:​

Isaalang-alang ang mga katotohanang ito na nakapagbabago ng buhay:
• Dahil sa aking mga kasalanan, nasa ilalim ako ng parusang kamatayan.
• Hindi ko kayang bayaran ang parusang ito nang hindi mawawala ang buhay na walang hanggan. Patay na sana ako magpakailanman.
• Ako ay nagkautang ng isang bagay na hindi ko kayang bayaran! Ngunit sinabi ni Jesus, "Ako ang magbabayad ng kaparusahan. Mamamatay Ako kapalit mo at bibigyan kita ng kredito para rito. Hindi ka mamamatay para sa iyong mga kasalanan."
• Tinatanggap ko ang Kanyang alok! Sa sandaling kilalanin ko ang aking
pagkakautang at tanggapin ang Kaniyang kamatayan para sa aking mga
kasalanan, magiging anak Niya ako! (Simple, hindi ba?)

 

6. Ano ang dapat nating gawin upang matanggap ang regalong ito ng kaligtasan?

"Sila ngayon ay itinuturing na ganap ng Kanyang biyaya bilang kaloob sa pamamagitan ng pagtubos na na kay Cristo Jesus" (Roma 3:24).

"Ang tao ay itinuturing na ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan" (Roma 3:28).

 

Sagot: Ang tanging bagay na maaari mong gawin ay ang tanggapin ang kaligtasan bilang isang regalo. Ang ating mga gawa ng pagsunod ay hindi makakatulong sa atin upang maging matuwid dahil nagkasala na tayo at
karapat-dapat sa kamatayan. Ngunit lahat ng humihiling sa pananampalataya para sa kaligtasan ay tatanggap nito. Ang pinakamasamang makasalanan ay tinatanggap ng ganap na gaya sa isa na nagkasala ng kaunti. Ang iyong nakaraan ay hindi mabibilang laban sa iyo! Tandaan, mahal ng Dios ang bawat isa at ang kapatawaran ay para sa humihiling. "Sapagkat sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios, hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki" (Efeso 2:8,9).

SG03-q7-ButterflyWoman.jpg

7. Kapag napabilang ka sa Kanyang sangbahayan sa pamamagitan ng
pananampalataya, anong pagbabago ang magagawa ni Jesus sa iyong buhay?

"Kaya't kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang; ang mga lumang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago" (2 Corinto 5:17).
 

Sagot : Kapag tinanggap mo si Cristo sa iyong puso, sinisimulan Niya ang proseso ng pagsira sa iyong dating makasalanang pagkatao at binabago ka sa isang bagong likhang espiritwal. Kasiya-siya, magsisimula mong maranasan ang maluwalhating kalayaan mula sa pagkakasala at kahatulan, at ang dating buhay ng kasalanan ay maging kasuklam-suklam sa iyo. Makikita mo na ang isang minutong kasama ang Diyos ay magbibigay ng higit na kaligayahan kaysa sa buong buhay na pagiging alipin ng diablo. Napakagandang pagpapalit! Bakit ang tagal ng paghihintay ng tao upang tanggapin ito?

SG03-q8-Family-StackedVertical.jpg

Sinabi ni Jesus, "Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo ...ang inyong
kagalakan ay malubos" (Juan 15:11).
"Kaya't kung kayo'y palayain ng Anak, kayo'y magiging tunay na malaya" (Juan 8:36).

"Ako'y pumarito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang
may kasaganaan" (Juan 10:10).

8. Tunay bang ang bagong buhay na ito ay magiging mas masaya kaysa sa dating makasalanang buhay?

Sagot: Marami ang nakadarama na ang buhay Kristiyano ay hindi magiging masaya dahil sa pagtanggi sa sarili. Ang eksaktong kabaligtaran ay totoo! Kapag tinanggap mo ang pag-ibig ni Jesus, ang kagalakan ay bubuhos sa iyong kalooban. Kahit na dumating ang mga mahihirap na pagkakataon ay maaaring magalak ang mga Kristyano sa katiyakan ng makapangyarihang presensya ng Dios na magtatagumpay at "makakatulong sa panahon ng pangangailangan" (Hebreo 4:16).

SG03-q9-Burden-10Comm-Heart.jpg

9. Makakaya mo ba sa iyong sarili na gawin ang lahat ng bagay na dapat ay ginagawa ng isang Kristiyano?

"Ako'y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin" (Galacia 2:20).
"Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan Niyang
nagpapalakas sa akin" (Filipos 4:13).

 

Sagot: Dito ipinahayag ang pinakadakilang himala ng buhay Kristiyano.
Walang pagpipilit ng sarili na maging mabuti! Ang ginagawa mo bilang isang Kristiyano ay ang kusang paghayag ng buhay ng ibang Tao sa loob

mo. Ang pagsunod ay natural na tugon ng pag-ibig sa iyong buhay. Ang ipinanganak sa Diyos, bilang isang bagong nilalang, nais mong sundin Siya dahil ang Kanyang buhay ay naging bahagi ng iyong buhay. Ang pasiyahin ang taong mahal mo ay hindi isang pasanin, ngunit isang kasiyahan din naman. "Kinaluluguran kong sundin ang iyong kalooban, O Diyos ko; ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso." (Mga Awit 40:8).
 

10. Nangangahulugan ba ito na kahit ang Sampung Utos ay hindi magiging mahirap sundin?

"Kung Ako'y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang Aking mga utos"

(Juan 14:15).


"Sapagkat ito ang pag-ibig sa Diyos, na ating tuparin ang kanyang mga utos at ang kanyang mga utos ay hindi pabigat" (1 Juan 5:3).


"Sinumang tumutupad ng kanyang salita, tunay na naging ganap sa taong

ito ang  pag-ibig ng Diyos" (1 Juan 2:5)

SG03-q10-Couple-Asian-Hug-Flowers-Backgr

Sagot: Iniugnay ng Biblia ang pagsunod sa tunay na pag-ibig sa Diyos. Ang mga Kristiyano ay hindi mapapagod na sundin ang Sampung Utos. Sa lahat ng iyong kasalanan na natakpan ng nagbabayad-salang kamatayan ni Jesus, ang iyong pagsunod ay nakaugat sa Kanyang matagumpay na buhay sa iyo. Dahil tunay na mahal mo Siya dahil sa pagbago ng iyong buhay, hihigit ka pa sa mga hinihiling ng Sampung Utos. Palagian mong saliksikin ang Biblia upang malaman ang Kanyang kalooban, upang subuking makahanap ng higit pang mga paraan ng pagpapahayag ng iyong pag-ibig sa Kanya. "Anumang ating hingin ay tinatanggap natin mula sa kanya, sapagkat tinutupad natin ang kanyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugud-lugod sa
kanyang harapan" (1 Juan 3:22).

 

SG03-q11-Cross-WomanWalking-Road.jpg

"Narito ang panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sa mga tumutupad sa mga utos ng Diyos, at humahawak ng matatag sa pananampalataya ni Jesus" (Apocalipsis 14:12).


"At siya'y[Satanas] kanilang[Mga Banal] dinaig dahil sa dugo ng Kordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, sapagkat hindi nila inibig ang kanilang buhay maging hanggang sa kamatayan" (Apocalipsis 12:11).
 

11. Paano ka makasisiguro na ang pagsunod sa Sampung Utos ay hindi legalismo?

Sagot: Ang "Legalismo" ay ang sumusubok na makamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng mabubuting gawa sa halip na tanggapin ito bilang regalo. Ang mga Banal sa Biblia ay kinikilala na mayroong apat na katangian: (1) pagsunod sa mga utos, (2) pagtitiwala sa dugo ng Kordero, (3) pagbabahagi ng kanilang pananampalataya sa iba, at (4) pagpili na mamatay kaysa sa magkasala. Ito ang totoong tanda ng isang taong nagmamahal kay Cristo at nagnanais na sundin Siya.
 

SG03-q12-PrayingTeen.jpg

"Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan" (Juan 5:39).
"Manalangin kayong walang patid" (1 Tesalonica 5:17).
"Kaya't kung paanong tinanggap ninyo si Cristo Jesus na Panginoon, ay
lumakad kayong gayon sa Kanya" (Colosas 2:6).
"Ako'y namamatay araw-araw!" (1 Corinto 15:31).

12. Paano mo masisiguro na ang pananampalataya at pagmamahal sa iyong relasyon kay Cristo ay patuloy na lalago?

SG03-q12-BibleStudy-Group.jpg

Sagot: Walang personal na relasyon ang uunlad nang walang komunikasyon.
Ang pananalangin at pag-aaral sa Biblia ay mga uri ng pakikipag-usap sa Diyos, at mahalaga ang mga ito upang mapanatili ang iyong relasyon sa Kanya na lumalago. Ang Kanyang Salita ay isang "liham ng pag-ibig" na nanaisin mong basahin araw-araw upang mapangalagaan ang iyong buhay espiritwal. Ang pakikipag-usap sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin ay magpapalalim ng iyong debosyon, at magbubukas sa iyong isipan sa isang mas kapanapanabik at malapit na kaalaman tungkol sa kung sino Siya at kung ano ang hinahangad Niya sa iyong buhay. Matutuklasan mo ang kamangha-manghang mga detalye ng Kanyang hindi kapani-paniwalang pagkakaloob para sa iyong kaligayahan.

Ngunit tandaan, tulad ng sa iba pang mga personal na relasyon, ang pagkawala ng pag-ibig ay maaaring maging pagkaalipin sa isang paraiso. Kapag tumigil tayo sa pag-ibig kay Cristo at sa Kanyang halimbawa, ang relihiyon ay iiral lamang bilang sapilitang pagsunod sa isang hanay ng mga kondisyon.

13. Paano mo maipapaalam sa lahat ang tungkol sa nakapagpabagong buhay na relasyon mo sa Kanya?

"Kaya't tayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo tungo sa kamatayan; na kung paanong si Cristo ay muling nabuhay mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, gayundin naman tayo'y makakalakad sa panibagong buhay. ...upang ang katawang makasalanan ay mawalan ng bisa" (Roma 6:4, 6).


"Sapagkat kayo'y itinakda kong mapangasawa ng isang lalaki, na kayo'y maiharap ko kay Cristo bilang isang malinis na birhen"

(2 Corinto 11:2).

SG03-q13-Baptism-River.jpg

Sagot: Ang Bautismo ay sumasagisag sa tatlong makabuluhang sangkap sa buhay ng isang taong tumanggap kay Cristo: (1) kamatayan sa kasalanan, (2) pagsilang sa bagong buhay kay Cristo, at (3) isang espiritwal na "kasal" kasama si Jesus magpakailanman. Ang espiritwal na pagsasama na ito ay magiging mas
malakas at mas matamis sa panahon, hangga't magpapatuloy tayo sa pag-ibig.

 

Tinatatakan ng Dios ang ating Espiritwal na Kasal 

Upang maselyuhan ang iyong espiritwal na kasal kay Jesus magpakailanman, nangako ang Dios na hindi Ka niya pababayaan (Mga Awit 55:22; Mateo 28:20; Hebreo 13:5), upang alagaan ka sa sakit at kalusugan (Awit 41:3; Isaias 41:10), at upang maibigay ang bawat pangangailangan na maaaring magpabuti sa iyong buhay (Mateo 6: 25–34). Tulad ng pagtanggap mo sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya, panatilihin ang pagtitiwala sa Kanya para sa bawat pangangailangan sa hinaharap at hindi ka Niya pababayaan.
 

SG03-q14-Woman-Hopeful.jpg

14. Nais mo bang tanggapin si Jesus sa iyong buhay ngayon at
magsimulang maranasan ang isang bagong buhay?

Sagot:

Palaisipang Katanungan


1. Paano mababayaran ng kamatayan ng isang tao ang parusa para sa mga
kasalanan ng buong sangkatauhan? Paano kung masyado tayong makasalanan upang iligtas ng Dios?

 

Sapagkat "lahat ay nagkasala" (Roma 3:23) at dahil "ang kabayaran sa kasalanan ay kamatayan" (Roma 6:23), isang espesyal na bagay ang kinakailangan para sa bawat taong ipinanganak. Isang buhay lamang na
katumbas ng lahat ng sangkatauhan ay maaaring mamatay para sa mga kasalanan ng buong sangkatauhan. Sapagkat si Jesus ay ang Lumikha at May- akda ng lahat ng buhay, ang buhay na Inilaan niya ay higit na malaki kaysa sa buhay ng lahat ng mga taong mabubuhay, " Dahil dito, Siya'y may kakayahang iligtas nang lubos ang mga lumalapit sa Dios sa pamamagitan Niya, yamang lagi Siyang nabubuhay upang mamagitan para sa kanila. ”(Hebreo 7:25).

 

2. Kung aking tatanggapin si Cristo at ang Kanyang kapatawaran ngunit
magkamaling muli, mapapatawad Niya ba akong muli?

 

Maaari nating laging pagtiwalaan ang Dios na tayo ay Kanyang patatawarin kung tayo ay tunay na aamin at magsisisi saating mga kasalanan. "Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay tapat at banal na
magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan" (1 Juan 1:9).

Tignan din ang Mateo 6:12.
 

3. Paano ako lalapit sa Dios sa aking makasalanang kalagayan na ito?
Hindi ba mas mabuting ipanalangin ako ng isang pari o ministro?


Dahil si Jesus ay nabuhay bilang isang tao at "tinukso gaya rin naman natin" (Hebreo 4:15) at nagtagumpay (Juan 16:33), mapapatawad Niya tayo mula sa ating mga kasalanan; hindi natin kailangan ng isang pari o ministro upang magawa iyon. Dagdag dito, partikular na sinasabi sa atin ng 1 Timoteo 2:5 na mayroon lamang "isang Tagapamagitan sa pagitan ng Dios at ng mga tao, ang Tao na si Cristo Jesus." Dahil sa buhay, kamatayan, pagkabuhay na mag-uli ni Jesus, at patuloy na mga panalangin para sa iyo (Roma 8:34), maaari kang lumapit sa Dios - at maaari kang lumapit sa Kanya nang buong tapang! (Hebreo 4:16).
 

4. Mayroon ba akong magagawa upang tulungan ang Dios na iligtas ako?
 

Wala. Ang Kanyang panukala ay isang buong plano ng biyaya (Roma 3:24; 4: 5); ito ay “kaloob ng Dios”

(Efeso 2: 8). Totoo na habang binibigyan tayo ng Diyos ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, binibigyan din Niya tayo ng pagnanais at lakas na sundin Siya. Nagreresulta ito sa magiliw na pagsunod
sa Kanyang mga utos. Kaya't maging ang pagsunod na ito ay nagreresulta mula sa walang bayad na biyaya ng Dios! Ang pagsunod, ang paglilingkod at katapatan ng pag-ibig, ay ang totoong pagsubok ng pagiging disipulo at isang likas na bunga - ang resulta - ng pananampalataya kay JesuCristo.

 

5. Kapag pinatawad ng Diyos ang aking kasalanan, kinakailangan pa ba
akong gumawa ng isang uri ng pagpapakasakit?

 

Sinasabi ng Roma 8:1, "Ngayon nga'y wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus." Si Jesus ang nagbayad ng buong parusa para sa ating mga kasalanan, at ang mga tumatanggap nito sa pananampalataya ay walang utang na kailangang gumawa ng pagpapasakit para sa paglilinis, sapagkat si Jesus ay "naghugas sa ating mga kasalanan" (Apocalipsis 1:5). Ibinahagi ng Isaias 43:25 ang magandang pangako na ito: “Ako, Ako nga ang siyang pumapawi ng iyong mga pagsuway alang-alang sa akin, at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan." Ipinapakita ng Mikas 7:18, 19 ang pagtatapos ng Kanyang kapatawaran para sa iyo: “Sino ang Dios na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalampas ang pagsuway ng nalabi sa kanyang mana? Hindi Niya pinananatili ang kanyang galit magpakailanman, sapagkat Siya'y nalulugod sa tapat na pag-ibig. Siya'y muling mahahabag sa atin; Kanyang tatapakan ang ating kasamaan. Kanyang ihahagis ang lahat nating kasalanan sa mga kalaliman ng dagat."

Do you have bible questions? Join our online bible studies. 

0585082852

  • White Facebook Icon

Find us on Facebook

  • YouTube

visit us on Youtube

bottom of page